Header Ads

Guro, tinanggihan ang proyektong parol ng isang Bata

Larawan ay mula sa post ni Tita Martinez - Facebook



Madalas magbigay ng proyekto ang mga guro ng mga parol sa kanilang mg estudyante sa tuwing sasapit na ang buwan ng kapaskuhan. Ginagawa nila itong palamuti sa kanilang silid-aralan, at ang iba nama’y nagkakaroon ng “Parol Making Contest.”

Gayunpaman, viral ngayon ang isang Facebook post ng isang ina matapos niyang ilabas ang kanyang saloobin sa guro ng kanyang anak.


Larawan ay mula sa post ni Tita Martinez - Facebook


Larawan ay mula sa post ni Tita Martinez - Facebook




Sa post ni Tita Martinez, hindi raw tinanggap ng guro ang parol na ipapasa sana ng kanyang anak. Nilait pa raw ito ng guro at sinabing hindi magandang tingnan ang parol na gawa sa plastik.

Ayon pa sa ina ng bata, pinaghirapan ng kanyang anak na gawin ang kanyang proyektong parol. Labis daw na nalungkot ang bata at naluluha pa habang sinasabi sa kanyang ina ang ginawa ng guro.

Nang tinanong ni Martinez ang anak kung bakit hindi tinanggap ng kanyang guro ang kanyang proyekto, hindi niya raw alam basta sinabi lang ng guro na ito’y “nakaka-disbeauty.”

Larawan ay mula sa post ni Tita Martinez - Facebook
Larawan ay mula sa post ni Tita Martinez - Facebook

Napahiya nga raw ang kanyang anak sa mga kaklase nito. Mas pinaburan pa umano ng guro ang proyekto ng ibang mag-aaral na halatang ginastusan ng pera.

Ayon pa kay Martinez, sinabi raw ng guro na pang-bahay kubo lang ang ginawang parol ng kanyang anak.

“Ang pait.. Sana Ma’am sinabi mong contest pala yun.. pagandahan at palakihan ng gastos kasi kawawa talaga yung bata.

Bahala na lang sana kahit ilagay n’yo na lang sa sulok basta’t wag nyo lang hindi-an yung pinaghirapan ng bata. Tapos sinabihan n’yo pang nagkakalat lang yan sa silid-aralan ninyo. Napaka-pait ho talaga Ma’am.

Ang sakit sa dibdib habang nakikinig ako sa anak ko. Para na akong iiyak sa harapan niya ngunit pinigilan ko na lamang na tumulo ang luha ko habang kinakausap ko ang anak ko.”



Source: Tita Martinez - Facebook


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.