Header Ads

Delivery Rider na napaakyat sa Gate matapos habulin ng Aso ng kanyang dedeliveran

Larawan ay mula sa Facebook


Napakahalaga ng gampanin ng mga delivery rider sa panahong ito. Sila ang naghahatid ng mga produktong in-order ng mga mamimili at talaga namang umulan man o umaraw, may pandemya man o wala, nagpapatuloy pa rin ang kanilang serbisyo.

Trending naman ngayon ang video ng isang delivery man na napa-akyat sa gate matapos siyang habulin ng nakawalang alagang aso ng kanyag dedeliveran.

Makikita kung paanong nabigla ang lalaki matapos tumahol ang aso. Mabilis siyang napa-akyat sa gate at tila ba mahigpit ang pagkakakapit niya rito para hindi mahulog.

Larawan ay mula sa Facebook

Larawan ay mula sa Facebook

Larawan ay mula sa Facebook


Maririnig din ang pagtawa ng isang lalaking nasa loob ng sasakyan habang kinukunan ng video ang nag-deliver. Kasamahan pala siya ng lalaking napa-akyat sa gate.

Magsilbi sana itong paalala na mahalaga ring itali ang mga alagang hayop para hindi makapanakit ng iba.

Larawan ay mula sa Facebook

Larawan ay mula sa Facebook


Nagkomento naman ang mga netizens patungkol sa nasabing video.

“Hindi biro ‘yan nagtatrabaho ng maayos yung delibery man dapat ayusin din nila mga alaga nila.”

“Mabilisang ninja hahaha ‘wag ka mag-alala kuya pareho tayo hahaha na-experience ko na rin ‘yan nakakatuwa lang ‘pag naalala natin ‘yan.”

“Kahit sino, ganyan ang gagawin kung may paraan para makaiwas sa aso ang sakit kaya makagat at magastos pa. Dapat talaga nakatali ang mga aso or laging naka-close ang gate para iwas perwisyo sa iba.”

Umabot na sa mahigit 37,000 reacts at 2,800 comments ang nasabing post.



Source: Facebook and noypiako


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.