Header Ads

Diskarte ni Mister Para Ganahan sa Paglalaba si Misis, epektibo kaya?

Larawan ay mula sa Facebook post ni Marvien Cascato


Ang mga ina, nanay, mama, mommy, o kahit ano pang tawag sa kanila, ang siyang gumagabay sa kanilang pamilya na gawin ang mabubuting bagay. Sila rin ay naghahanap-buhay, nagsasakripisyo, at kumakayod upang matulungan at matustusan ang kanilang pamilya sa kanilang mga pangangailangan.

Bilang ilaw ng tahanan, nakasanayan na ngang mga ina ang siyang gumagawa ng mga gawaing bahay. Sila ang nag-aasikaso sa kanilang asawa at mga anak.

Kabilang na rin dito ang pagluluto, paglilinis ng bahay, paghuhugas ng pinggan, at marami pang. Isali pa rito ang paglalaba na talaga nga namang nakapapagod din lalo na kung makikitang gabundok ang mga labahin.

Larawan ay mula sa Facebook post ni Marvien Cascato

Usap-usapan naman ngayon sa social media ang isang paraan ng isang mister upang ganahan ang kanyang misis sa paglalaba.

Larawan ay mula sa Facebook post ni Marvien Cascato

Sa Facebook post ng isang netizen na si Marvien Cascato noong Agosto 13, naglalagay raw siya ng pera sa bulsa ng kanyang pantalon na madaling makikita ng kanyang misis kapag siya ay maglalaba na.

Larawan ay mula sa Facebook post ni Marvien Cascato

Nilalagyan niya ang bulsa ng kanyang pantalon ng perang nagkakahalaga ng P550. Ginagawa raw niya ito upang kahit papaano’y may pang-meryenda ang kanyang misis at para na rin mapahalagahan at masuklian ang ginagawang trabaho ng kanyang asawa.



Source: Facebook - Marvien Cascato


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.