Header Ads

Japanese Boy, Hinangaan ng mga Netizens matapos Magpulot ng mga Basurang iniwan ng Turista sa isang Beach

    

Larawan ay mula sa Manila Bulletin

Hinahangaan ngayon ng mga netizens ang isang Japanense boy matapos mag-viral ang kaniyang larawan na nagpupulot ng mga basurang iniwan ng mga taong namasyal sa isang beach sa Alaminos, Pangasinan.

Ang nasabing batang Hapon ay anak ng isang government employee sa Dagupan City na nakapangasawa ng isang Haponesa.

Sabi naman ni Hannah Galvez, CEO at founder ng Olives, Inc. at Olives Language School – na nagbibigay ng online at onsite courses sa Tokyo, Japan – itinuturo raw talaga sa kanilang mga estudyante ang paglilinis ng kapaligiran. Sa tuwing naglilinis daw sila ng kanilang classroom, natututo raw sila ng disiplina; kapag paaralan naman daw ang kanilang nililinis, nahuhubog daw ang kanilang pagiging responsableng mamamayan.

Larawan ay mula sa Manila Bulletin

Larawan ay mula sa Manila Bulletin


“If you see things that are not right and may adversely affect other people, you have to do something. In Japanese schools, there are no janitors to clean the school. Everyday, the kids set a time to clean their room and whatever they used.”

Kwento pa ni Galvez, mayroon din daw isang Japanese na lalaki ang pumunta sa Baguio City at saka naglinis doon ng kalye.

“He tries to visit Baguio every year to clean.”

Hindi rin daw ito karaniwang tao lamang, ani Galvez, sapagkat mayroon daw itong restaurant sa Tokyo, Japan.

Pahayag pa ni Galvez, “It is such a shame to us locals that we let a foreigner set an example in cleaning our own area.”



Source: MB


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.