Header Ads

Naiwang Bag Na May Pera’t Brand New Laptop, sinauli ng Tricycle Driver sa may-ari

Larawan ay mula sa Facebook post ni Jonamie Sebastian


Ibinalik ng isang tricycle driver ang naiwang bag ng isang babae na may lamang pera at brand new laptop.

Ibinahagi ng isang netizen na si Jonamie Sebastian sa social media ang ginawang kabutihan sa kanya ng isang tricycle driver matapos nitong ibalik ang naiwan niyang backpack sa sasakyan.

Ayon kay Sebastian, ang kanyang bag ay naglalaman ng brand new laptop, P40,000 para sa kanyang kliyente, P12,000 na ibibigay niya sa nanay niya, at iba pang mahahalagang kagamitan.

Larawan ay mula sa Facebook post ni Jonamie Sebastian


Dagdag pa sa post ng may-ari ng bag, “sobrang grateful ako kasi sabi nya kagabi pa pala nya ako inantay na balikan at buong gabi nya hawak bag ko kasi baka mawala daw.. Tiningnan ko bag ko wala po talagang nawala kahit isa kaya sobrang grateful ako sa Lord na lahat na meron tau ay iniingatan nya.. Sa dami daming tricycle sa kanya ako nakasakay na my napakabuting puso sa kabila ng hirap ng buhay ngayun Di nya nagawang itago mga gamit ko na sana magpapagaan ng kunti ng kanyang buhay”

Larawan ay mula sa Facebook post ni Jonamie Sebastian


Labis-labis naman ang pasasalamat ni Sebastian dahil sa ginawang katapatan ng butihing tricyle driver.

Dahil sa ginawang ito ng tricycle driver, humanga sa kanya ang mga netizens. Isa siya sa mga patunay na sa kabila ng pagkakaroon ng mahirap na buhay ay mas pinipili pa rin niyang gumawa ng tama dahil iyon ang makabubuti para sa lahat.

Larawan ay mula sa Facebook post ni Jonamie Sebastian




Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.