Header Ads

Namamaga at nangingitim ang malaking bahagi ng kanang braso ng isang babae matapos umano siyng tusukin ng malaking karayom

Larawan ay mula sa Facebook post ni Rachel Joy Ragudos Torres



Namamaga at nangingitim ang malaking bahagi ng kanang braso ng isang babae matapos umano siyang gamitan ng malaking karayom ng isang nurse habang siya ay dina-dialysis. Mas lalo pa raw nadagdagan ang sakit na kanyang nararamdaman dahil sa nararanasang impeksyon sa braso.

Ayon sa nag-upload ng larawan na si Rachel Joy Ragudos Torres na anak ng biktima, dinala raw niya ang kanyang ina sa dialysis center sa Region 1 para sa kanyang sesyon sa sakit na diabetes noong Nobyembre 30.

Larawan ay mula sa Facebook post ni Rachel Joy Ragudos Torres


Malaking karayom umano ang ginamit ng nurse sa kadahilanang walang maliit na karayom kaya, namaga at nangitim ang braso ng ginang. Ayon sa pamilya ng ginang, nakahanap sana sila ng karayom kung sinabi ng nurse na walang maliit na karayom.

Naaawa ang pamilya ng ginang sa kanya dahil sa hirap niya sa paghinga dahil sa dala nitong kirot. Imbes daw na bumuti ang kalagayan ay lalo pang nadagdagan ang kanyang sakit. Hindi na rin umano tumatalab ang gamot na kanyang iniinom.

Larawan ay mula sa Facebook post ni Rachel Joy Ragudos Torres

Ilang beses na silang tumawag sa pamunuan ng dialysis center ngunit mukhang marami umano itong alibi. Sinabihan daw sila na ooperahan ang ginang pero walang malinaw na petsa kung kailan ito isasagawa.

Larawan ay mula sa Facebook post ni Rachel Joy Ragudos Torres

Dahil sa brasong namamaga, tinuturukan umano ngayon ang ginang sa singit o hita sa tuwing siya’y nagda-dialysis. Panawagan nina Torres, maaksyunan sana ang kalagayan ng kanyang ina. Kung ooperahan daw ang kanyang ina, huwag na raw itong patagalin para maging maayos na ang kanyang pakiramdam.

Larawan ay mula sa Facebook post ni Rachel Joy Ragudos Torres



Source: Rachel Joy Ragudos Torres


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.