Header Ads

Ulirang Anak ng Welder at Empanada Vendor, Nakuha ang 10th Place sa Nursing Licensure Board Exam

Source: GMA News
 
Isang napakagandang balita at pakiramdam para sa isang magulang ang makita ang kanilang mga anak na makapagtapos ng pag-aaaral lalo na sa kolehiyo ngunit mas masaya kung sila ay nakapasa rin sa board exam at masasabing full-fledged professional. 

Paano pag sainyo into nagyari? Na malaman na matapos maka-graduate ng pag-aaaral ay agad na naka-pasa sa board exam ang inyong anak? Maliban dito ay pasok sila sa Top 10 ng mga board passers.

Source: GMA News

Ganito ang kwento ng isang anak ng Empanada vendor at welder na kamakailan lamang ay nakapasa sa Nursing Licensure Board Exam at nakapasok bilang 10th placer sa overall rank. Ang nasabing board passer at 10th placer ay kinilalang si si Shannara Mica Guta Tamayao, isang nursing graduate na mula sa Laoag City, Ilocos Norte.

Maraming Filipino ang namangha at na-inspire sa kwento ng batang babaeng ito, dahil pinatunayan niya na hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang ating mga pangarap sa buhay. Marahil ay hindi madali ang kailangang pagdaanan subalit hindi ito imposible.

Source: GMA News

Karapat-dapat din na makuha ni Shannara ang 10th place dahil mula pa noong elementary hanggang highschool ay parati itong honor student. Bunga ng kanyang pagsisikap at sa tulong at suporta ng kanyang mga magulang, natapos niya ang kanyang nursing degree sa Mariano State University sa Batac, Ilocos Norte.

Source: GMA News

Halos lahat ng kanilang paghihirap ay nasuklian matapos niyang maipasa ang national licensure board exam at nasungkit ang pagiging top notcher sa score na 84.60%.


Bilang panganay sa mga magkakapatid, inaasahan siyang makakatulong na ngayon sa kanilang mga magulang para maiahon sila sa kahirapan at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga kapatid. Plano niya ngayong ipasa ang National Council Licensure Examination (NCLEX) at pagkatapos ay kumuha ng Master's Degree bago siya mag-apply ng trabaho.

Source: GMA News

Ang kanyang kuwento ay tumatak sa puso at atensyon ng maraming pinoy netizens at naging isang inspirasyon, pampalakas ng loob sa ilang mga Pilipino lalo na sa mga kabataan nagsisimula pa lamang sa pag-aaral. Dahil ito sa tulong at sakripisyo ng kanyang mga magulang na walang sawang nagbigay ng suporta sakanya. Malaking bagay rin ang kanyang determinasyong makatapos upang makamit ang kanyang mga pangarap.

Walang pangarap ng imposible kapag may mga taong nakapaligid para sumuporta. Kasabay ng iyong kasipagan at tiwala sa Diyos, siguradong makakamit mo ang iyong mga pangarap sa buhay at maging matagumpay para sa iyong pamilya.


Source: GMA News

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.