Header Ads

Dating palaboy na kinaaliwan sa Cebu na si Berta isa na ngayong Volunteer staff sa recovery facility

Source: Cebu Daily News

Tinutukan ng marami ang kuwento ng palaboy sa Cebu na si Roberto Planado Jr., o mas kilala bilang “Berta.” Nakilala siya dahil sa kakayahan niyang makipag-usap sa wikang Ingles. Itinampok na rin ang kanyang kuwento sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” kung saan isang vlogger ang tumulong upang maipasok siya sa isang recovery facility.

Source: Cebu Daily News

Mahigit 17 taong nanirahan si Berta sa kalye ng Cebu kung saan namamalimos siya sa ilang mga residente. Namangha naman ang ilan sa kanila dahil sa galing nito sa pagsasalita ng Ingles.

Ayon sa dating palaboy, dati umano siyang guro. Nawala lamang siya sa tamang pag-iisip dahil nabigo sa pag-ibig. Nakilala naman siya ng vlogger na si Anton Camilo na itinuturing niyang kuya.

Source: Cebu Daily News

Humingi ng tulong si Camilo sa Safe Haven treatment recovery village upang doon ma-admit at manirahan si Berta. Nais niya raw kasi itong tulungan upang maging maayos ang kanyang buhay.

Source: Cebu Daily News

Matapos lamang ng isang buwan, makikita na ang malaking pagbabago sa itsura ni Berta. Maaliwalas na ang kanyang mukha at nakaka-usap na rin ng maayos. Sa katunayan, isa na siyang volunteer staff sa nasabing recovery facility.

Source: Cebu Daily News

Ibinahagi ng Facebook page na “Cebu Daily News” na nakuha na ni Berta ang kanyang opisyal na ID bilang isang volunteer staff. Makikita rin ang larawan ng dating palaboy na nakangiti at puno ng pag-asa.

Source: Cebu Daily News

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.