Header Ads

Dating security guard na nagtapos bilang Cum Laude na si Erwin Macua, Kumusta na nga kaya siya ngyon?

 



Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Ipinalabas muli sa YouTube channel ng programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang kuwento ni Erwin Macua. Nagtapos siya sa kursong Bachelor of Elementary Education sa paaralang kanyang ginaguwardiyahan – sa St. Theresa’s College sa Cebu City. Nagpursige siyang mag-aral dahil na rin sa mga taong tumutulong sa kanya.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Panganay sa pitong magkakapatid si Macua, at parehong magsasaka ang kanyang mga magulang. Nagtapos nga siya bilang Valedictorian ng kanilang klase noong elementarya at sekondarya, ngunit hindi na siya nakapagpatuloy sa kolehiyo dahil sa kakapusan sa pera.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Mabuti na lamang dahil may nag-offer sa kanya ng scholarship noong siya ay nasa 3rd year. Ngunit, tila hindi raw sila madalas magkaunawaan ng kanyang panganay na anak dahil mukhang wala raw siyang oras para sa kanila. Ipinaliwanag naman ni Macua na ang lahat ng kanyang sakripisyo ay alay niya sa kanyang pamilya.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Sa kabila ng mga naranasang hirap, hindi pa rin daw makapaniwala ang sekyu na nagbunga na ang kanyang pagsisikap. Sa araw nga ng kanyang pagtatapos, hindi napigilang maiyak ng kanyang ina at asawa dahil sa saya na natupad na ni Macua ang kanyang pangarap.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

“Hindi hadlang ‘yong kahirapan na makapagtapos sa pag-aaral. Sabi ko sa sarili ko, it’s never too late to learn. Kahit na may edad ka na, as long as magpupursige kang makapag-aral, makapagtapos, then makakamit mo din ‘yon balang araw.”

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Ngayon, isa nang ganap na guro ang dating sekyu. Nagtuturo siya sa mga mag-aaral na grade 2 sa asignaturang Araling Panlipunan. 

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Masaya raw si Macua na nagtuturo at nakapagbibigay siya ng kaalaman sa mga bata, at sa kanilang paglaki, maalala nilang may naging guro sila na nagsilbi dati bilang isang security guard.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.