Header Ads

Napagkakamalang bata ang isang Guro sa Bulacan dahil sa mayroon daw itong baby face

Source: GMA News Online

Isang guro sa Bulacan ang laging napagkakamalang estudyante dahil sa itsurang mukang bata. Hindi talaga maikakailang mayroong baby face ang 22 taong gulang na guro na kinilala bilang si Ian Francis Manga.

Source: GMA News Online

Isang staff sa paaralan ng San Jose Del Monte Bulacan si Ian at nagtuturo sa kindergarten at grade 2. Ayon pa sa guro, “Para po nila akong kuya, kalaro palagi.”

Noong siya ay bata pa ay sakitin daw siya at pinaniniwalaang ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng delay sa pag-develop ng kanyang pisikal na katawan lalo na sa kanyang mukha.

Source: GMA News Online

Sa panahon ng pagbibinata at noong nasa highschool pa lamang siya ay hindi raw niya naranasang magkaroon ng mga pagbabago sa katawan. Maging ang tubuan ng buhok sa kili-kili o magkabigote ay hindi raw niya naranasan. Ngunit sa kabila ng kaibahan niya sa kanyang mga kaklase ay hindi naman daw siya nakaranas makutya ng iba.

Source: GMA News Online

Ayon pa kay Ian, hindi raw sila nagpasyang pumunta sa doktor para kumonsulta dahil hindi naman daw niyang naranasang kutyain.

Source: GMA News Online

Ito ang salaysay ni Ian:

“Hindi po ako na-bully kasi I was friendly. Palakaibigan po ako sa kaklase ko. Minsan nabu-bully rin mga hindi ko naman kakilala, kakantahan ka ng mga bulilit. E ‘wag mong pansinin.”
Source: GMA News Online

Nakapagtapos ng kolehiyo si Ian. Naipasa rin niya ang kanyang licensure exam sa edad na 22. Matapos niyang maipasa ang kanyang exam ay nagsimula na rin siyang magturo.

Source: GMA News Online

Ayon pa kay Ian:

“Nagiging seryoso ako, nagiging seryoso din sila sa akin. Hati ‘yong pagiging strikto sa pagiging teacher. Teacher po ako. Hindi po kailangang always play kailangan may seryosohan din.”

Source: GMA News Online


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.