Header Ads

Naging milyonaryo nang dahil sa mga puno ng Lapnisan o Agar

Source: Kapuso mo, Jessica Soho

Sa mga liblib na kagubatan ng Visayas at Mindanao matatagpuan ang isang klase ng puno na ang katas ay in-demand abroad. Marami ang mga naghahanap sa punong ito mapa-dayuhan o kahit sa mga online hinahanap ito. 

Source: Kapuso mo, Jessica Soho

Ang katas nito ay tinaguriang "liquid gold" dahil sa  maibebenta ito sa halagang P50,000-P300,000 ang per kilo nito. Ang punong Agar o tinatawag ding lapnisan ay nakapagbigay ng malaking tulong sa ating mga kababayan at ang iba ay yumaman dahil sa pagbebenta nito. Pinapaapuyan ang puno ito upang makita kung mayroon itong magandang klase ng langis.

Source: Kapuso mo, Jessica Soho

Nakilala ang isang lalaki sa leyte na si Bobby ang kumita ng malaki dahil sa lapnisan. Kumita umano siya ng P900,000 sa dalawang bag ng lapnisan. 

Source: Kapuso mo, Jessica Soho

Malaking tulong ito sakanya at sa kanyang pamilya. Kung dati ay nakatira lamang sila sa maliit na kubo ngayon ay nakapagpatayo na siya ng bahay gawa sa semento. 

Source: Kapuso mo, Jessica Soho

Marami na din daw sa mga taga doon ang natulungan ng lapnisan dahil sa talagang dinarayo daw ito ng mga dayuhan para bumili ng Agar. Mga nakapagpatayo na raw sila ng mga bahay, ang ilang ay nakabili na ng kanilang motor.

Source: Kapuso mo, Jessica Soho

Ang katas ng lapnisan ay isa sa mga sakap ng mga mamahaling pabango, medicinal wine at insenso sa Thailand at Korea. Ang mga puno ng lapnisan ay tumutubo lamang sa mga liblib na kagubatan, malamig at matataas na lugar. 

Source: Kapuso mo, Jessica Soho

Mayroon ito sa mga bansa tulad ng Vietnam, China, at Pilipinas. Umaabot ang taas nito sa 10-12 feet. 

Source: Kapuso mo, Jessica Soho

Ngunit sa panahon ngayon at endangered na mga punong ito at ilegal ang ang bentahan nito ayon sa DENR. Pati ang pagbebenta ng punla ng lapnisan ay may regulasyon na din.


Source: Kapuso mo, Jessica Soho



Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.