Header Ads

Isang kilalang Vlogger pinakyaw ang panindang balut ng 82-anyos na Lolo at inihatid pa pauwi sa kaniyang bahay

Source: The Hungry Syrian Wanderer

Tinulungan ng isang kilalang vlogger ang isang 82-anyos na tindero sa Laguna nang pakyawin niya ang paninda nitong balut at hinatid pa pauwi sa kaniyang tinitirhan.

Source: The Hungry Syrian Wanderer

Nakatanggap daw si Basel Manadil, o mas kilala bilang si “Hungry Syrian Wanderer,” ng litrato ng isang balut vendor na nagngangalang Fernando. Nang malaman niya ang kuwento nito, agad na hinanap ni Manadil ang lokasyon ng matanda.
Source: The Hungry Syrian Wanderer
Sa ibinahagi niyang Facebook post, sinabi ni Manadil na malambot daw ang kaniyang puso pagdating sa mga matatanda.
Ani ng vlogger, “I have soft spot sa mga elders, na sana ay nagrerelax nalang while on their golden age pero in reality marami pa din sakanila ang kumakayod para sa pamilya.”
Source: The Hungry Syrian Wanderer
Nang magtungo raw ang vlogger sa Biñan, Laguna, naabutan niya raw si Lolo Fernando na nagtitinda pa rin kahit dis-oras na ng gabi.
Dahil dito, gumawa ng paraan si Manadil upang maubos na ang paninda at makauwi na ang matanda.
Source: The Hungry Syrian Wanderer
“Pinakyaw ko na lahat ng paninda, x3 ng presyo at kinuha ko na lahat ng paninda at inihatid si lolo ng safe sa kanyang bahay to make sure hindi makulit si lolo at ititinda pa din nya ang kanyang mga balut.”
Labis namang humanga ang mga netizens sa kabutihang ginawa ng nasabing vlogger.
Source: The Hungry Syrian Wanderer
Sabi ng isa, “Thanks Basel for being such a good person! I’m praying that you stay healthy and successful so that the Hungry Syrian Wonderer can continue helping the needy Filipino people! God Bless!”
Maliban kay Lolo Fernando, hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na tumutulong si Manadil sa iba pang mga taong nangangailangan.
Source: The Hungry Syrian Wanderer

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.