Header Ads

Matandang iniwan at pinabayaan nalang ng mga anak, Kapitbahay humingi ng tulong sa kawawang kalagayan ng matanda

Source: Jenny Rose Leonardo Ventura /Facebook
Hindi matatawaran ang ibinibigay na pagmamahal ng isang magulang para sa kanyang anak. Ginagawa niya ang lahat para matugunan ang kanilang pangangailangan. Kahit mahirap, kinakailangan niyang magsakripisyo alang-alang sa kapakanan ng mga pinakamamahal na pamilya.

Subalit, may ilan sa kanila ang pinababayaan na lamang ng kanilang mga anak. Binabalewala na lamang sila pagsapit ng kanilang katandaan. Kung kailan nila kailangan ng kalinga, pag-aalaga, at pagmamahal, doon naman sila iniiwan.

Source: Jenny Rose Leonardo Ventura /Facebook

Sa ibinahagi ngang post ng netizen na si Jenny Rose Ventura sa kanyang social media account noong Nobyembre 16, 2020, makikita ang larawan ng isang matandang lalaki na nakatira at nakahiga sa isang marupok na mesa sa gilid ng isang bahay.

Kinilala ang matandang lalaki bilang si Rene Banaag na mula sa Bantug Bulalo, Cabanatuan, Nueva Ecija. Ayon kay Ventura, may anak naman daw ang lolo ngunit pinabayaan lamang siya na tumira sa isang barong-barong. Hindi raw inaasikaso ng mga anak ang kanilang ama, na nakakakain lamang kapag may mga taong nag-aabot ng tulong at pagkain.

Source: Jenny Rose Leonardo Ventura /Facebook

Dagdag pa rito, namamalimos pa raw ang matanda sa kahit saang lugar. Nangangamoy na rind aw siya dahil walang nag-aalaga sa kanya. Dahil sa awa, minabuti raw ni Ventura na i-post ang kalagayan ng matanda sa social media para makahingi ng tulong.

Source: Jenny Rose Leonardo Ventura /Facebook

Narito ang kanyang post:
“Hello po Sir #raffytulfoinaction Gusto ko Lang po Sana na matulungan nyo po Ang kawawang kalagayan nato. May mga anak po yan hindi Inaasikaso ng mga anak, namamalimos Lang po sa kung Saan Saan. Walang nag aalaga po at mapanghe na nakatira Lang po sa barong barong, inaabutan Lang po ng pagkain. Sana po matulungan niyo sir. Please share po Para Maka rating sa kinauukulan.
Ang pangalan po ni tatay ay RENE BANAAG
LOCATION NI TATAY BANTUG BULALO CABANATUAN NUEVA ECIJA
#raffytulfoinaction
#idolraffytulfoinaction
#DSWDMayMalasakit
#DSWD
#concerncitizen”
Sa ngayon ay mayroon ng halos 11,000 reacts, 13,000 comments at 40,000 shares ang naturang post.

Source: Jenny Rose Leonardo Ventura /Facebook

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.