Header Ads

Mag-asawang parehong bulag, patuloy na lumalaban at itinataguyod ang walong anak sa kabila ng pandemya

Source: ABS-CBN News

Hindi naging hadlang para sa mag-asawang bulag na itaguyod ang kanilang mga anak sa kabila ng kanilang kapansanan.

Patuloy na lumalaban ang mag-asawang bulag mula sa Mabalacat City, Pampanga upang buhayin ang kanilang walong mga anak. “Love is blind” – ito ay literal para kina Julius at Marivic Muñoz. May anak si Julius mula sa kanyang pagkabinata; ang walong anak nila ay nakakikita naman ng maayos.

Source: ABS-CBN News

Dahil sa pandemya, nawalan ng trabaho ang dalawa: isang singer si Julius habang masahista naman si Marivic. Gayunpaman, maayos naman nilang naitataguyod ang kanilang pamilya. Kuwento ng anak nilang si Janella, “Sobrang proud po ako kasi napapakain kami nang maayos.”

Source: ABS-CBN News

13 taon nang nagsasama ang dalawa. Taong 2005 nang unang magtagpo sina Julius at Marivic sa School for the Blind sa Maynila. May inihatid daw na estudyante ang lalaki na kaklase naman ng babae. Unti-unting naging malapit ang loob nila sa isa’t isa; ngunit tutol ang pamilya ni Marivic kay Julius.

Source: ABS-CBN News

Itinanan umano ng lalaki ang babae mula sa Cavite at dinala ito sa Pampanga. Dito sila nagpakasal at nagkaroon ng walong anak. 11-anyos na ang panganay nila at tatlong buwan pa lamang ang kanilang bunso. Kahit walang kasambahay, kinakaya pa rin naman daw ni Marivic ang mga gawaing bahay.

Source: ABS-CBN News

Kahit mahirap, hindi raw susuko ang mag-asawa at susuportahan pa rin ang isa’t isa. Upang makaraos, kumakanta online si Julius kasama ang bandang “Banda Alyansa Kapampangan” at nagsisilbi rin siya bilang frontliner sa Sangguniang Panlungsod ng Mabalacat. May mga kaibigan din daw silang nagpapaabot ng tulong para sa kanilang pamilya.


Source: ABS-CBN News

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.