Header Ads

Rider nakatanggap ng nakakagulat na biyaya, sumakto pang may karamdaman ang anak

Source: DJ MotoCentral

Akala ng karamihan, hindi kailanman matutupad ang ilan sa kanilang mga kahilingan. Ngunit kung susuriing mabuti, napakaraming biyaya ang dumarating sa atin: maliit man o malaki, sa direkta man o kahit sa pasikot-sikot na paraan.

Source: DJ MotoCentral

Katulad na lamang ng naging karanasan ng isang food delivery rider. Kamakailan lang ay nakatanggap siya ng P1000 mula sa isang motor parts company; sakto namang may sakit ang kanyang anak noong araw na iyon. Ang perang natanggap ay naging biyaya para sa kanya upang makabili ng gamot.

Source: DJ MotoCentral

Sa Facebook post ng “DJ MotoCentral,” “Habang nag-drive kami, nakita ko si kuya, isang Grab Driver, may sticker ng DJ MotoCentral, pinatabi ko. Takot daw s’ya kasi akala niya, may ginawa siyang violation sa kalsada at huhuliin siya.

Hindi niya alam, instant cash siya. Sakto daw kasi may sakit anak niya at naghahanap siya pambili ng gamot. Matumal daw kasi ang booking. Halos maluha si kuya sa tuwa.”

Source: DJ MotoCentral

Ipagdarasal umano ng nasabing kompanya ang paggaling ng anak ng delivery rider. Umaasa silang nakatulong talaga ang ipinamahagi nilang ‘biyaya’ para sa pangangailangan nito.

Marami namang netizens ang pumuri sa kabutihang ipinakita ng DJ MotoCentral.

Isa nga sa nagkomento, “Solid ka talaga, lods, even sa pagtulong sa mga nangangailangan, ginagawa kang daan ni God. Ingat po palagi ang God bless.”

Source: DJ MotoCentral


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.