Header Ads

70 taong gulang na lalaki pinakasalan ang 20 taong gulang na bababe, mga magulang ng babae binigyan ng $660k o P31 milyon

Source: Big Kren/ Facebook

Usap-usapan ngayon ang viral photos ng isang engrandeng kasal ng isang 70 taong gulang na lalaki at 20 taong gulang na babae sa bansang Thailand.

Source: Big Kren/ Facebook

Kinilala ang matanda bilang si Chana Jiralerspong, ang may-ari ng coffee empire na Khao Shong Industry. Sa kabila ng kanyang edad ay hindi pa siya ikinakasal. Marahil ay hinintay niya raw ang babaeng nakatakda para sa kanya. Samantala, hindi naman nabanggit kung sino ang naturang babae.

Source: Big Kren/ Facebook

Ibinahagi naman ng Facebook page na “Big Kren,” isang news company sa Thailand, ang mga larawan ng dalawa. Nakatanggap din umano ang mga magulang ng babae ng 20 million baht ($ 660,000) o mahigit P 31 milyon.

Source: Big Kren/ Facebook

Source: Big Kren/ Facebook

Ani ni Chan, “We have already agreed on the wedding date, so no matter where I am in the world, I will come back to meet my wife on the day.”

Makikita nga sa kanilang larawan kung gaano sila kasaya sa kanilang kasal. Hindi rin naman mukhang napilitan ang babae sa pagpapakasal sa naturang matanda.

Source: Big Kren/ Facebook

Gayunpaman, samot-saring reaksiyon ang inihayag ng netizens. May mga natuwa dahil mukha namang wagas ang kanilang pag-iibigan. Ngunit, hindi rin nagpatinag ang panghuhusga ng iba dahil sa laki ng agwat ng dalawa. Marahil ay pineperahan lang daw ng babae si Chan dahil sa yaman nito.

Source: Big Kren/ Facebook



Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.