Header Ads

21 anyos ng lalaki, 3 taon ng pasanin ang bag kung saan nakalagay ang malaking galon ng tubig na nakakonekta sa kanyang colostomy bag

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Kamakailan lang ay ipinalabas sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang kuwento ng isang lalaki na patuloy pa rin sa pagkayod para sa pamilya kahit pa na gumagamit siya ng galon ng tubig bilang colostomy bag.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Taong 2019 pa umano nang magkaroon si John Paul ng colostomy bag matapos niyang maoperahan. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin naibabalik sa loob ng kanyang katawan ang kanyang bituka.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Malaki ang halaga ng perang kailangang gastusin para sa isang colostomy bag sa isang araw, na maliit lamang at madaling mapuno. 50 beses daw sila nagde-drain araw-araw. Kaya para makatipid, gumawa ang kanyang kuya ng DIY na colostomy bag mula sa tubo ng washing machine at malaking galon ng tubig.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Sukbit-sukbit ito ni John Paul kahit saan man siya magpunta habang nakalagay sa isang backpack. Dahil dito kaya siya pinandidirihan ng ibang tao.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Sa kabila ng hirap na pinagdadaanan, patuloy pa rin sa pagkayod si John Paul upang kumita dahil siya ang breadwinner sa kanilang siyam na magkakapatid. 

Hinihiling nga niya sa Panginoon na huwag muna siyang kunin dahil marami pa siyang pangarap para sa kanyang pamilya. Umaasa siya na maibabalik din sa loob ng kanyang katawan ang kanyang bituka sa tamang panahon.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.