Header Ads

Tricycle drive ipinagmamalaki matapos na isauli ang kalahating milyong pisong halaga ng pera na naiwan ng pasahero

Source: Bandilyonews/ Facebook 

Ipinagmamalaki ngayon ng Lucena City ang isang tricyle driver na nagsauli ng kalahating milyong halaga ng pera na naiwan ng isang pasahero.

Source: Bandilyonews/ Facebook

Sa Facebook page ng “Bandilyo,” mapapanood ang ginawang kabutihan ng isang tricycle driver. Hindi nagdalawang-isip si Niño Clor na ibalik sa may-ari ang naiwang pera kahit pa na mahirap ang kanilang buhay. 

Source: Bandilyonews/ Facebook

Wala siyang intensiyong masama sa pera, at agad niya itong ibinalik sa babaeng may-ari. Nito lamang Pebrero nang maisakay ni Clor ang naturang babae. Tuwang-tuwa nga raw at naiyak pa ang babae nang matanggap niya ang naiwang bag.

Source: Bandilyonews/ Facebook

Dahil sa ginawang katapatan ng drayber, ipinagmamalaki siya ng kanyang mga kapitbahay, lalong-lalo na ng kanyang misis. 

Source: Bandilyonews/ Facebook

Kinilala rin ng barangay ang kabutihang ito ni Clor at binigyan siya ng Certificate of Appreciation at P5,000. Hindi naman ito ang unang pagkakataong nagsauli ng naiwang gamit ang naturang drayber.

Source: Bandilyonews/ Facebook

Umani naman ito ng positibong komento mula sa mga netizens.

“Nice pare Maganda kalooban Yan ginawA..Mo Salute sna marami pa kagaya Mo Good Job.”

“Mas maraming blessings pa darating sa katulad nya.. Salute aq sa mga kagaya nya..nd nasilaw sa salapi ..sanay marami png katulad mu ang may gnyang ugali..keep it up.God bless ur family Sir ,proud to say Taga Lucena rin aq”

Source: Bandilyonews/ Facebook

“Isa kang mabuting tao, Niño. Dapat ka lang ipagmalaki ng pamilya mo at tularan ng maraming mamayan. Kababayan ko ang pinakitaan mo ng maganda mong loob at malinis mong pagkatao. Mabuhay ka at pagpalain ka ng Diyos!”

Source: Bandilyonews/ Facebook

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.