Header Ads

Gamit ang mga basura sa tabing dagat ginawang mga kakaibang Obra Maestra ng isang lalaki

Source: Kien Alphe Garsuta /Facebook

Nakagawa ng iba’t ibang obra ang isang lalaki gamit lamang ang mga basura sa tabing-dagat.

Kamakailan lamang ay nag-trending sa social media ang isang artist sa Baclayon, Bohol na kinilala bilang si Pedro Angco Jr. Ang kuwento ni Angco ay ibinahagi ng netizen na si Kien Alphe Garsuta sa kanyang Facebook account.

Source: Kien Alphe Garsuta /Facebook

Makikita nga kung gaano kagaling na artist ang naturang lalaki: may mga sining na krus, balyena, at agila. May mga tsinelas ding makikita at mahihinuhang ito ang gamit ni Angco sa paggawa ng mga obra maestra. Bukod dito, may ipinakita rin siyang trophy kung saan ay nakamit niya ang ikalawang puwesto sa 2017 GSIS Art Competition, Sculpture Category.

Source: Kien Alphe Garsuta /Facebook

Ayon sa post ni Garsuta, “We did not expect na makaka-meet kami ng isang unique artist. Na-amaze kami sa mga artworks po niya kasi ang mga raw materials na gamit po niya is made from ocean trashes.”

Source: Kien Alphe Garsuta /Facebook

Mixed media ang ginagawa ni Angco. Siya mismo ang namumulot ng mga basurang tsinelas, lubid at sandals sa tabing-dagat. Matiyaga niya itong pinupulbos gamit ang kutsilyo at lagare na inaabot ng dalawang hanggang limang araw.

Source: Kien Alphe Garsuta /Facebook


Hinangaan naman siya ng mga netizens dahil sa taglay niyang talento at pagmamahal sa kalikasan.


Source: Kien Alphe Garsuta /Facebook


Source: Kien Alphe Garsuta /Facebook


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.