Header Ads

Isang lola ang binigyan ng tulong at inayos ang kanyang tinitirhan ng isang mabuting Vlogger

Source: Val Santos Matubang/You Tube

Sa YouTube channel ni Val Santos Matubang, mapapanood kung paano binigyan ng pagkain ng isang vlogger ang isang matanda noong Valentine’s Day.

Source: Val Santos Matubang/You Tube

Maliban sa pagkain, mayroon ding mga ibinigay na paunang materyales upang maipagawa ang bahay ng matanda na kinilala bilang si Lola Damiana. Nagpasalamat naman ang matanda nang matanggap ang pagkain. Ilang sandali pa ay ipinasok na nila sa bahay ng matanda ang mga materyales para sa pagpapagawa ng kanyang tahanan.

Source: Val Santos Matubang/You Tube

Ngunit maya-maya pa ay tila nagagalit si Lola Damiana dahil kaya raw niyang magpatindig ng sariling bahay, at pagmamay-ari niya ang lupang kinatatayuan nito. Sinasabi niya na ipapagawa lamang ang kanyang bahay upang maibenta ito sa ibang tao.

Source: Val Santos Matubang/You Tube

May hawak ngang kahoy si Lola Damiana na tila handa na niyang ihampas sa mga taong naroon. Pinapalayas din niya ang vlogger, at sinabi pa ng matanda na kaya niyang magpagawa ng bahay; magkakademandahan daw sila hanggang kamatayan.

Source: Val Santos Matubang/You Tube

Kaya naman, inilabas muna nila ang mga materyales na ipinasok nila sa bahay ng matanda. Ayon kay Lola Damiana, dalhin na lamang daw ang mga ito sa dagat. 

Source: Val Santos Matubang/You Tube

Ayon sa vlogger, iba ang pag-iisip ng matanda; patuloy naman siyang pinapaalis ng lola. Napagdesisyunan nilang umalis muna at hindi muna maipapagawa ang bahay ni Lola Damiana.

Source: Val Santos Matubang/You Tube

Bumalik ang grupo nila Val at nakumbinsi si lola na maipa-ayos ang kanyang tinitirhan. Malaking tulong ito kay lola na mag-isang namumuhay at upang hindi siya mabasa sa ulan o malakas na hangin. Naisaayos naman ng maayos ang pagsasaayos ng bahay ni lola.

Source: Val Santos Matubang/You Tube

Source: Val Santos Matubang/You Tube

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.