Header Ads

Isang Street food vendor ang kinabiliban sa diskarte tungo sa pag-asenso at ng pangarap na gustong abutin

Source: Aga Ambita /Facebook 

Nagsilbing inspirasyon para sa ilan ang karanasang ibinahagi ng isang netizen patungkol sa lalaking nagtitinda ng street foods.

Source: Aga Ambita /Facebook 


Sa post ng netizen na si Aga Ambita sa kanyang Facebook account, mababasa ang naging usapan nila ng isang street food vendor. Una raw siya bumilib sa vendor matapos nitong bigyan ng pagkain ang mag-inang pulubi. Maya-maya pa, nagbilang na siya ng pera mula sa kanyang mga kinita.

Source: Aga Ambita /Facebook 

May lalaki raw na nagtanong sa vendor kung iyon na ba lahat ang kanyang kinita; um-oo naman ang vendor. Nanlaki ang mata ng lalaking nagtanong nang mabanggit ng vendor na halos P 2,400 na ang kanyang kinita sa araw na iyon kung saan ay tanghali na raw siya nakapagsimulang magtinda.

Source: Aga Ambita /Facebook 

Dagdag pa ng street food vendor, “Pambili ko po ng NMAX pinagtatawanan ako ng mga kapitbahay namin nagtitinda lang daw ako tapos bibili ako ng motor. Sabi ko sarili ko nachallenge ako sa kanila. Kung damdamin ko sinasabi nila bibigat lang dibdib ko. Saka hindi nman nila ako pinapalamon.”

Source: Aga Ambita /Facebook 

Sabi naman ni Ambita sa kanya, malaki na raw ang kanyang kinikita kaysa sa ibang mga tao. Idagdag pa umano na hawak niya mismo ang kanyang oras.

Ayon pa sa vendor, “na inspired lang po ako sa kanya’ (sabay turo dun sa katabi nyang kwek kwek vendor). ‘Meron na sya kotse at madaming motor yan lang ang negosyo nya.’”

Source: Aga Ambita /Facebook 

Sa ngayon ay mayroon ng mahigit 4,800 reacts, 112 comments, at 4,400 shares ang nasabing post.

Source: Aga Ambita /Facebook 


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.