Header Ads

Mag-asawang OFW sa Macau na may malaking Hospital Bill, Nakatanggap ng biyaya at tulong mula sa isang grupo ng Portuges

Source: GMA News

Nakatanggap ng tulong mula sa isang grupo ng mga Portuguese ang mag-asawang OFW sa Macau na may hospital bill na P250,000.

Source: GMA News

Parehong Overseas Filipino Workers (OFW) sa Macau ang mag-asawang sina Glenda at Jaymar Teope. Gustuhin man ni Glenda na sa Pilipinas siya manganak, dahil siya ay buntis, ay hindi nila ito magawa dahil inabutan sila ng pandemya. Inabutan na nga siya ng panganganak sa Macau kung saan ay nanatili pa sila sa ospital ng ilang araw sa kadahilanang nagkaroon ng komplikasyon ang kanilang anak matapos maipulupot sa leeg nito ang kanyang umbilical cord.

Source: GMA News

Pinangalanan nilang Miguel ang bagong silang na sanggol. Bukod sa pandemya, nadagdagan ang problema ng mag-asawa dahil kailangan nilang bayaran ang hospital bill na tinatayang nasa P250,000.

Source: GMA News

Mabuti na lamang dahil ang kaibigan nilang OFW ay may among kabilang sa grupo ng mga Portuguese na siyang nagbibigay ng tulong sa mga sanggol sa kanilang lugar. Nagulat nga sina Glenda at Jaymar nang sabihin ng staff ng ospital na wala na silang babayaran pa dahil fully paid na sila.

Source: GMA News

Ani Jaymar, “Para kaming nanalo sa isang game show. Congratulation ‘yong bill niyo fully paid na.”

Source: GMA News

Lubos ang pasasalamat ng mag-asawa sa grupong nagpaabot ng tulong sa kanila. Nais man nilang ipaabot ng personal ang kanilang pasasalamat, hindi nila nakilala ang nasabing grupo dahil ayaw raw nilang magpapakilala.

Source: GMA News

Source: GMA News

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.