Header Ads

Nagtapos bilang Valedictorian ang isang masipag na mag-aaral na nakatira sa ilalim ng Tulay

Source: PTV / You Tube

Sa YouTube channel ng PTV, ipinalabas ang kuwento ng isang estudyanteng kinilala bilang si Cienna Igado na nagsumikap sa pag-aaral at nagtapos bilang Valedictorian sa Silahis ng Katarungan Elementary School.

Source: PTV / You Tube

Nakatira ang 12 taong gulang na bata, kasama ang kanyang pamilya, sa ilalim ng isang tulay. Ang kanyang mga magulang at mga guro umano ang nagtulak sa kanya upang mag-aral ng mabuti dahil sinasabihan siya ng mga ito na ito ang magiging susi upang maging maganda ang kanyang kahihinatnan.

Source: PTV / You Tube

Dagdag pa ni Igado, “Dapat po pinagsisikapan natin. Kasi po ang suwerte po natin na nakakapag-aral po tayo. Samantala po ‘yong iba gustong-gusto nilang makapag-aral pero nagtatrabaho na agad sila.”

Source: PTV / You Tube

Ayon pa sa kanya, huwag daw sisingitan ng ibang bagay ang oras ng pag-aaral dahil maaari kang ma-distract at hindi na ito magagawa pa ng maayos. 

Source: PTV / You Tube

Masaya rin naman ang kanyang ina na si Lotlot dahil hilig na rin ng kanyang anak ang pagbabasa at pagtuklas ng bagong kaalaman. Focus na focus umano ang kanyang anak sa tuwing siya ay nag-aaral.

Source: PTV / You Tube

Marami na ring nagpaabot ng tulong at nagbibigay ng scholarship kay Igado upang masuportahan ang kanyang edukasyon. Para sa kanya, ginto nang maituturing ang tagumpay na kanyang nakamit.

Source: PTV / You Tube



Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.