Header Ads

Naiyak na lamang ang isang ginang matapos makitang muli ang kanyang aso na ninakaw sa kanya 2 taon na ang nakalipas.

Source: Galina Lekunova

Ibinahagi ng isang shelter sa Facebook ang larawan ng isang stray pooch, sa pag-asang may handang kumupkop dito. Ang asong may asul na mata ay nakararanas ng mange at iniwang madumi.

Matapos mag-viral ng nasabing larawan ng aso, nakatanggap ng tawag ang shelter mula sa isang ginang na nagsasabing baka iyon na ang nawawala niyang aso na ninakaw mula sa kanya dalawang taon na ang nakararaan.

Source: Galina Lekunova
 
Sinabihan ang ginang na magtungo siya sa shelter upang makita ang aso. Makikita nga sa isang video kung ano ang naging reaksiyon ng aso: tila nagdadalawang-isip pa itong lumapit sa ginang. Ngunit nakilala na niya ang ginang matapos niya itong amuyin at hawakan ang kamay. Kinilala ng ginang ang aso niya na nagngangalang “Lord.”

Source: Galina Lekunova

Tunay ngang ang tadhana ang siyang maglalapit sa mga nilalang na nakatakdang magsama. Patunay ito na ang mga alaga nating hayop ay nakararamdam din ng emosyong kaparehas ng sa mga tao. 

Source: Galina Lekunova

Dagdag pa rito, paglayuin man sila ng distansiya, lumipas man ang panahon, isa sila sa mga nilalang na hindi nakalilimot.



Source: Galina Lekunova

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.