|
Source: Rudy Baldwin/Facebook |
Usap-usapan na naman ngayon sa social media ang online psychic na si Rudy Baldwin matapos umanong magkatotoo muli ang isa sa kanyang mga prediksyon.
Source: Rudy Baldwin/Facebook
|
Nagbigay paalala si Baldwin sa publiko, sa pamamagitan ng isang post, patungkol sa nakikita niyang isang malakas na lindol na biglaan umanong magaganap. Ayon pa sa kanyang vision, nakikita niya ang muling pagsabog ng isang bulkan na may kaugnayan sa isang bansa.
Source: Rudy Baldwin/Facebook
|
Sinabi rin niya sa kanyang post na magkakaroon ng malakas na pagputok ang isang bulkan sa bansang Iceland na magdudulot ng malakas na lindol. Magdoble-ingat daw ang mga tao, lalo na sa Kosovo, Iceland, para sa kanilang kaligtasan.
Source: Rudy Baldwin/Facebook
|
Ani Baldwin, “Bansang Kosovo nakikita ko sa vision ko ang malakas na lindol .malakas ito at biglaan lang ito mangyayari .Ang isang lindol me.kalakasan pero ang merong malakas ajong nakikita dhil.sa isang volcano.eruption.akon nakikita pero ang volcano nato me.koneksyon sa isang bansa sa nakikita ko sa vision ko ay bansang Iceland .Mag eruption ito dhil sa sobrang lakas ng lindol malakas na lindol ito at tlagang kawawa ang mga tao at ang hangin amoy galit ang huni mag ingat lang lahat dyan sa bansang Kosovo at magdasal lang palagi.”
Source: Rudy Baldwin/Facebook
At nito lamang Marso 20, 2021 ay naiulat ang pagsabog ng bulkan sa Reykjanes Peninsula sa Iceland. Ayon sa ilang mga balita, ito raw ang kauna-unahang pagsabog ng naturang bulkan sa loob ng 800 taon.
Dahil sa naganap na pangyayari, iniugnay ito ng mga netizens sa naging prediksiyon ng psychic.
Source: Rudy Baldwin/Facebook
Source: Furry Category
No comments