Nabaon sa utang ang isang Pinay domestic helper matapos tulungan ang kanyang kababayan sa Hong Kong
Source: Rosalina Canque Cain/ Facebook |
Kinilala ang nasabing domestic helper bilang si Rosalina Canque Cain na nagtatrabaho bilang Overseas Filipino Worker (OFW) sa bansang Hong Kong. Noong Hunyo 2018, lumapit umano sa kanya ang kapwa OFW na nagngangalang Maria Guimao-Bowes upang humingi ng tulong. Sinabi nitong nangangailangan umano ng tulong ang kanyang ina na nasa ospital.
Source: Rosalina Canque Cain/ Facebook
Sa kadahilanang wala umanong perang maipapahiram si Cain kay Bowes, hinimok ng huli ang una para iprenda muna ang ilan sa kanyang mga alahas sa pawnshop, na umabot naman sa halagang HK$ 8,658 (P 58,000). Nangako naman si Bowes na babayaran niya ito sa susunod na buwan para makuha muli ang alahas sa pawnshop.
Source: Rosalina Canque Cain/ Facebook
Dahil sa pagkukumbinsi ni Bowes, kumuha ang Pinay DH ng loan na HK$ 10,000 (P 67,100) para makatulong siya sa mga bayarin sa ospital. Subalit, hindi tumupad ang kapwa niya OFW; hindi siya nagbayad ng kanyang utang at hindi niya itong tinulungang mabawi ang mga alahas na nasa pawnshop.
Source: Rosalina Canque Cain/ Facebook
Source: Rosalina Canque Cain/ Facebook
Dahil dito, hinarap na ni Cain ang suliranin sa pagkakaroon ng malaking halaga ng utang dahil lamang tinulungan niya ang isang inakala niyang kaibigan na magbabayad lang ng mga bayarin sa ospital ng kanyang ina.
Source: Rosalina Canque Cain/ Facebook
Source: Furry Category
No comments