Pursigido sa pag-aaral ang isang 64 na taong gulang na ginang bilang isang senior high school student.
Source: Gesa Ortega /Facebook |
Proud na proud na ibinahagi ng anak ng ginang na si Gesa Ortega sa kanyang Facebook account, noong Pebrero 12, 2020, ang kanyang mga larawan na sumasagot ng kanyang takdang aralin. Ayon kay Gesa, nag-aaral ang kanyang ina sa Bayawan Senior High School (night class). Talaga umanong pursigido sa pag-aaral ang kanyang mahal na nanay.
Source: Gesa Ortega /Facebook
Dagdag pa ng anak, masaya raw ang kanyang ina sa tuwing napag-uusapan ang mga kaganapan sa paaralan. Nasasabik din daw ito sa tuwing ikinukuwento ang mga bago nitong natututunan sa klase at sa mga kamag-aral.
Source: Gesa Ortega /Facebook
Masaya naman si Gesa para sa kanyang ina dahil ipinagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa kabila ng kanyang edad. Ayon pa sa post niya, “Education knows no age… Being in school and experience the life of a student really keeps her going.” Sa ngayon ay mayroon ng mahigit 1,300 reacts, 45 comments, at 297 shares ang nasabing post.
Source: Gesa Ortega /Facebook
Narito ang buong post ni Gesa:
"Education knows no age
64 years old, Bayawan Senior High School Night Class
Seeing my Mom doing her assignment, serious jud kaau xa, very dedicated to learn. Usahay ma apil pa me gama sa assignment . Linyahan ni mader
“Dai unsa gane pasabot ani?”
“Dai Alayon ko research ani kay Ipapasa na ugma ni Sir”
“Dai tudlui ko gamit computer kay para maka research nako kay Google
Og daghan pa......
Excited kaau xa after school mag talk about sa ilahang class, sa mga new learnings and being with her classmates. Makita jud namo unsa xa ka Happy. Being in school and experience the life of a student really keeps her going
I hope this will serve as an inspiration sa kabatan onan na ga duha2x og pag balik skwela kay maulaw.
I am so thankful to the people behind this program."
Patunay lamang ito na walang hadlang sa taong nais matuto ng mga bagong kaalaman. Ano man ang estado sa buhay, kasarian, o edad, nasa atin pa rin ang desisyon kung tayo ba ay magpapatuloy. Walang imposible sa kahit anong bagay, lalong-lalo na kung sasamahan ito ng sipag at tiyaga.
Source: Gesa Ortega /Facebook
Source: Furry Category
No comments