Header Ads

56-anyos na lalaki patuloy sa pagpapadyak at paglalako ng meryenda ang para makapag-ipon sa pagpapagamot ng asawang may sakit

Source: Reporters's Notebook

Patuloy sa paghahanapbuhay ang isang PWD sa pamamagitan ng pagpapadyak at paglalako ng meryenda sa kabila ng pandemiya. Nakilala ang masipag na tatay na si Mang Weng, 56 anyos na taong gulang. Nagsusumikap daw ito para makapag-ipon sa pagpapagamot ng asawang may sakit. 

Si Mang Weng ay putol ang kanang kamay at naapektuhan din ang kaliwang kamay kaya naman talagang ipinasadya pa nito ang disenyo ng kanyang cart. Mahirap man ang buhay ay mas piniling magpakatatag at magsumikap ni Mang Weng sa kabila ng kaniyang kapansanan.

Source: Reporters's Notebook

Dating construction worker ang 56-anyos na si Mang Weng. Sa kasamààng palad ay naaksidente sa kuryente si Mang Weng na nagdulot ng pagkakaputol ng kaniyang kanang kamay at gayun din naapektuhan ang kanyang kaliwang kamay. Hindi regular ang kaniyang trabaho noon sa construction, kaya naman walang siyang SSS. Wala itong nakukuhang disability benefit.

Source: Reporters's Notebook

vNagsusumikap si Mang Weng na umiikot sa kanilang lugar para maglako sa kabila ng init at pag-ulan para sa kanyang pamilya. Halos tatlong dekada na siyang umiikot sa kanilang lugar para sa pagpapagamot ng kanyang asawang may adult-0nset hydr0cephalus. 

Source: Reporters's Notebook

 Kaya naman madaming netizen ang bumilib sa ginagawang sakripisyo ni Mang Weng para sa kaniyang asawa. Narito ang ilang komento ng mga netizen: 

Source: Reporters's Notebook

"Nakakabilib ka tatay , sana lahat ng tatay e kagaya mo napakaresponsable di naging hadlang ang iyong kapansanan , nawau pagpalain ka po ni lord."

"God bless you tatay."
"Salute to those pwd na kumakayod kahit mhirap ang buhay. gantong tao ang dapat tinutulongan. Godbless you tatay."

"Mahiya naman kayong manga tamad at mahilig magreklamo sa trabaho kahit ganyan si tatay nagdisikap at nagtratrabaho para mabuhay at may pangbili gamot ng asawa kayo ang lalaki ng katawan ninyo kunting sakit lang hinde na kayo papasuk sa trabaho pasalamat kayo at malakas at kumpleto ang katawan ninyo."


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.