Header Ads

Laking gulat ng inaanak ng makatanggap ng P23,000 mula sa kaniyang ninang na hindi raw nakabigay sa kanya ng 23 years


Ang ninong at ninang ang nagsisilbing pangalawang magulang para sa kanilang mga inaanak. Sila rin ay inaasahan na makakatulong sa espirituwal na pagbuo ng kanilang inaanak bilang mabuting mga Kristiyano. Kapag ang mga magulang ay hindi kayang tuparin ang mga tungkulin ng magulang dahil sa kamatayan, trabaho, o kung kailan ang mga magulang ay mawawalay sa kanilang mga anak. Sila ang gagabay at tutulong para sila ay mapalaking mabuti at nasa ayos. 


Sa modernong panahon ngayon ay tila ba naiwawala na ang tunay na tungkulin ng isang ninong/ ninang. Marami ngayon ang mga naibabahaging mga masasaklap na kwento ng mga magulang na nagde-demand pang pinansyal at humihingi sa mga Ninong at Ninang para sa kanilang mga anak, lalo na sa mga okasyon tulad ng birthday at kapaskuhan.

Ngunit mayroon naman ilang mga maswerteng inaanak na may malugod at mapagbigay na ninong at ninang. Tulad na lamang ng kwento ng isang dalagitang nagtrending ngayon sa Facebook, dahil sa kaniyang natanggap mula sa kaniyang Ninang ng hindi inaasahan. 


Ang dalaga ay 23-taong gulang na. Pinadalhan umano siya ng kaniyang Ninang ng Php23,000 cash bilang regalo sa kaniya. Laking gulat na lamang niya ng nag-message sa kaniya ang kaniyang Ninang, kung saan tinanong siya kung natanggap na niya ang padala nito. Labis ang kagalakan nito sa hindi inaasahang pagbibigay ng kaniyang Ninang ng regalo.


Kaya napakaswerte naman ng dalaga dahil nagkaroon siya ng instant Php23,000 galing sa kaniyang Ninang na mula pa sa ibang bansa. Hindi nakalimot ang Ninang na ito at kahit 23 taon na ang nakalilipas inalala niya pa rin ang magbigay sa kaniyang inaanak. Napahanga ang ilang netizens at napa-wow at mapapa sana all ang lahat.

Ngunit  huwag sana nating kalimutan ang totoong tungkulin ng isang Ninong at Ninang. Mahalaga sila ang matatakbuhan ng isang bata sa panahon na ay ito ay mangailangan ng tulong. Ito man ay emosyunal, pisikal, at mental na pangangailangan ay mayroon silang pangalawang mga magulang na malalapitan.



Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.