Walong-taong gulang na bata naging "little" nanay sa kanyang apat na kapatid at may sakit na ina
![]() |
Source: On the Record |
Bilang isang bata ay karaniwan ng makitang naglalaro kasama ang pamilya, kaibigan o mga ka-edad nito. Ngunit hindi lahat ng bata ay mapalad na maranasan ito dahil sa hirap ng buhay o pag-ako sa mga responsibilidad sa kabila ng murang edad.
Tulad na lamang ng walong taong-gulang na si Jenny Bagobo na umako sa responsibilidad ng kanyang ina dahil sa karamdaman ng ina nito. Pinasan ni Jenny ang responsibilidad sa pag-aalaga sa apat niyang mas nakakabatang mga kapatid. Siya ang panganay sa limang magkakapatid. Grade 2 pupil pa lamang ito.

Sa murang edad ni Jenny ay pinagsasabay na nito ang pag-aalaga sa ina, kapatid at ang kanyang pag-aaral. Ang kanilang ama naman pumapalaot upang mangisda para sa kaniyang pamilya.
Si Jenny ay talaga namang napakabuting anak na masaya ito sa pag-aalaga sa kanyang ina at mga kapatid kahit ito ay nahihirapan at ang tanging hiling ay gumaling na ang ina nito.
Kaya naman ng matunghayan ng programang "On the Record" at ibinahagi ang kwento ni Jenny sa social media ay madami ang naawa, naantig, at humanga sa kanyang kwento. Dahil dito ay madami ang nag-abot ng tulong sa pamilya ni Jenny. Nagbigay ang ilang ng pangpapagamot ng ina ni Jenny.
Laking pasasalamat naman ng ina ni Jenny sa pag-aaruga nito sakanya at sa mas nakababatang kapatid nito. Laking pasasalamat din ng pamilya ni Jenny sa lahat ng mga netizen na hindi nag-atubiling tumulong sakanila.
Source: Furry Category
No comments