Header Ads

Asawa ni Mother Lily Monteverde na si Remy Monteverde pumanaw sa edad na 86 – Dahilan

  • Leonardo “Remy” Monteverde pumanaw na sa edad na 86
  • Kinumpirma ang balitang ito sa pamamagitan ng isang Instagram post ni Mother Lily Monteverde

Sumakabilang buhay na si Remy Monteverde, asawa ng film producer na si Mother Lily. Ayon sa report ng Inquirer, pumanaw si Ginoong Monteverde kahapon, July 29, 2024 sa edad na 86 dahil sa pneumonia.

Si Remy Monteverde ay dating baskteball player para sa San Beda high school at Mapua College. Kasunod nito, naging katuwang siya ng asawang si Mother Lily sa pagtataguyod ng Regal Films production.

Siya ay inaalala ng kanyang pamilya bilang mapagmahal na asawa, ama, at lolo sa kanyang mga apo.

Ang burol ng yumaong si Remy o Leonardo ay gaganapin sa 38 Valencia Events Place, Quezon City mula bukas July 31 hanggang August 2.

Nagpabatid na rin ng pasasalamat ang pamilya Monteverde sa mga nagpabatid ng pakikiramay sa kanilang pamilya.


No comments

Powered by Blogger.