Header Ads

Kapatid ni Niño Muhlach na si Angela nagbahagi ng cryptic post kaugnay sa sinapit ng pamangkin na si Sandro Muhlach

  • Kapatid ni Niño Muhlach na si Angela naglabas ng cryptic post laban sa mga umabuso sa kanyang pamangkin na si Sandro
  • Ayon kay Angela, lalaban umano ang kanilang pamilya upang makuha ang katarungan para kay Sandro

Angela Muhlach na kapatid ng aktor na si Niño Muhlach nagbahagi ng isang cryptic post kaugnay sa sinapit ng pamangkin na si Sandro mula sa mga tinukoy na GMA gay executives na nangyari noong gabi ng GMA Gala 2024.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, nagbahagi si Angela ng isang patama.

Ayon kay Angela, magiging daan umano ang kanilang pamilya upang mailantad ang mga ‘injustices’ na nangyari sa ilang mga artists na dumanas rin ng parehong pang-aabuso.

Ipaglalaban umano ng kanilang pamilya ang nangyari kay Sandro. Ang mga ganito umanong gawain ay dapat nang maputol at wakasan ng tuluyan.

Saad ni Angela, “Our family will be the one to break the injustices all the other artists are facing! This has to stop. We will fight for justice [praying emoji].”

Tila hindi uurungan ng Muhlach family ang laban na ito. Bukod kay Angela, nauna nang nagpahayag ng saloobin ang aktor na si Niño Muhlach.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Niño ang mga katagang “Inumpisahan niyo, tatapusin ko!”

Kasunod nito, naglabas na rin ng pahayag ang asawa ni Niño na si Dianne Tupaz. Ayon kay Dianne, wala umano silang pakialam sa mga posible nilang makabangga dahil ang importante sa kanila ay mapanagot ang mga may sala sa sinapit ng anak na si Sandro.


No comments

Powered by Blogger.