Header Ads

Atasha Muhlach iniintrigang nabuntis ni Pasig Mayor Vico Sotto – Ogie Diaz may reaksyon sa mga nagpapakalat ng maling balita

Sa pinakabagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update sa Youtube, tinalakay ang hinggil sa balitang pagkakamabutihan diumano nina Atasha Muhlach at Pasig Mayor Vico Sotto.

Ayon kay Ogie, nag-ugat ang mga balitang ito mula sa mga Youtube channels na nagpapakalat ng mga maling balita para lamang magtrending at kumita ng pera sa pamamagitan ng video monetization.

May ilang channels umano ang naglabas ng balita na diumano nabuntis ni Mayor Vico Sotto si Atasha. Isang buwan na umanong buntis ang anak nina Aga at Charlene Muhlach at si Vico ang ama ng dinadala nito.

Ito ay mali at walang katotohanan.

Ayon kay Ogie, nakausap niya umano si Atasha kamakailan lang dahil nakapag-guest siya sa sitcom na “Da Pers Family.”

Batid ni Ogie na mali ang mga balitang ito pero napag-usapan na rin nila ni Atasha ang hinggil rito at nahingian niya ng reaksyon ang dalaga.

Ayon kay Atasha, narinig niya na umano ang mga ganitong balita at nagtataka siya kung saan nanggaling ang isyu. Paglilinaw ng anak ni Aga, hindi pa daw sila nagkikita ni Mayor Vico sa personal.

Ayon kay Ogie, naglipana sa Youtube ang mga fake news kaya naman siya ay nagbabala sa mga tao na huwag basta maniwala sa mga napapanood sa naturang social media platform.

Saad ni Ogie, “Kaya huwag na huwag ho kayo basta-basta naniniwala diyan ha, iyan ang mga fake news account…. Jusko nakakahiya kayo ha.”


No comments

Powered by Blogger.