Header Ads

Sandro Muhlach tinukoy na ang dalawang ‘gay independent contractors’ ng GMA Network na nagsamantala sa kanya – Pormal na reklamo

  • Sandro Muhlach pinangalanan na ang dalawang ‘gay’ independent contractors na umabuso sa kanya noong gabi ng GMA Gala 2024
  • Naghain na ang aktor ng pormal na reklamo laban sa mga ito

Kinumpirma na ni Sandro Muhlach ang balita hinggil sa naunang ‘blind item’ na siya ang tinutukoy na baguhang aktor na inabuso ng dalawang ‘gay executives’ ng GMA Network.

Ito ay nakalahad sa pinakabagong statement na inilabas ng GMA Network ngayong araw, August 1, 2024. Naghain na umano ng pormal na reklamo ang aktor sa kanilang tanggapan laban sa kina Jojo Nones and Richard Cruz.

Sina Jojo Nones and Richard Cruz ang mga tinukoy na gay executives na nagsamantala kay Sandro noong gabi GMA Gala 2024.

Sa nasabing pahayag, mariing inilarawan ng naturang network ang dalawang sangkot sa pangyayari bilang mga independent contractors ng kanilang kompanya. Ito ay taliwas sa naunang balita na sila ay mga GMA executives.

Ayon sa GMA Network, bago pa man ang pormal na paghahain ng reklamo ni Sandro nagsagawa na sila ng paunang imbestigasyon hinggil sa pangyayari.

Ayon sa pahayag:

GMA Network has just received a formal complaint from Sparkle artist Sandro Muhlach against two GMA independent contractors, Jojo Nones and Richard Cruz.

“Recognizing the seriousness of the alleged incident, GMA Network had already initiated its own investigation even before receiving the formal complaint.

Respecting Sandro’s request for confidentiality, the investigating body will withhold all details of the formal investigation until its conclusion.

“The Network assures the public and all stakeholders of its commitment to conducting this investigation with the highest standards of fairness and impartiality.”


No comments

Powered by Blogger.