Header Ads

Ivana Alawi nagsalita na hinggil sa isyung bumabalot sa pag-alis niya sa FPJs Batang Quiapo

  • Ivana Alawi nagsalita na hinggil sa tunay na dahilan ng pag-alis niya sa FPJs Batang Quiapo
  • Hindi umano totoo na pinaalis siya sa serye
  • Siya ay kusang nagpaalam dahil hindi na kinakaya ng schedule niya sa iba pang trabaho
  • Itinanggi ng aktres na siya ay primadona sa set ng serye

Nagsalita na ang aktres at content creator na si Ivana Alawi hinggil sa pag-alis niya sa FPJs Batang Quiapo. Minabuti ni Ivana na magsalita dahil sa mga naglabasan na paratang na diumano umaalis siya sa set kahit hindi pa tapos ang ‘taping.’

Isa rin sa mga nilinaw ng aktres ay ang tsismis na isnabera at primadona siya sa set ng serye. Ito umano ay walang katotohanan.

Sa panayam ni MJ Felipe sa aktres, nabigyan ng linaw ang lahat ng isyung ito.

Una sa lahat, ipinaliwanag ni Ivana ang hinggil sa rumor na umaalis siya sa set nang hindi pa tapos ang taping. Wala umano itong katotohanan dahil batid niyang malaki ang ‘budget’ ng produksyon. Kahit umano magtagal siya sa set kung kinakailangan ay ginagawa niya at hindi siya nagrereklamo.

Itinanggi rin ni Ivana ang tungkol sa isyung primadona siya sa set. Nakikipagkaibigan naman umano siya sa mga kasamahan sa serye. Marahil nakikita lang ng iba na masungit siya dahil sa kanyang mukha.

Saad ng aktres, “Isa sa mga problema siguro ay ang aking mukha kapag hindi ako nakangiti, mukhang may attitude ako.”

Samantala, binanggit rin ni Ivana na nakapagpaalam siya ng maayos sa direktor at kapwa artista na si Coco Martin. Naiitindihan umano ni Direk Coco ang mga dahilan niya ng pagliban sa serye dahil batid nito ang pakiramdam ng pagiging abala sa trabaho ng mga tulad nilang artista.

Ayon kay Ivana, nagpasya siyang umalis sa serye dahil hindi na kinakaya ng kanyang schedule sa showbiz kasabay pa ng kanyang pagba-vlog.

So nagpaalam ako, walang nangyari na tinanggal ako. That’s not true. Ang nangyari talaga, tumawag ako at ako na mismo ang nagpaalam. It’s because of my work and other commitments na hindi na talaga kinakaya,” paglalahad ni Ivana.

Kahit gustuhin ko man na mag-five years, six years.. kung wala lang siguro akong trabaho, I will do it,” dagdag pa ng aktres.


No comments

Powered by Blogger.