Header Ads

Sunog sa Binondo Chinatown kumitil ng 11 katao

Photo: Manila DRRM Office
  • Sunog sa Binondo Chinatown kumitil sa buhay ng 11 katao
  • Dalawang oras umano ang iginugol ng mga bumbero upang maapula ang apoy
  • Ayon naman kay Manila Mayor Honey Lacuna, magsasagawa ang mga otoridad ng inspeksyon sa mga gusaling ‘risk of fire’ sa kanilang lugar

Araw ng Biyernes, August 2, 2024, nagkaroon ng malaking sunog sa Yunchengco Street Carvajal Binondo, Manila na kumitil sa 11 katao.

Nagtulungan ang iba’t ibang bumbero mula sa 14 fire trucks upang maapula ang apoy.

Base sa impormasyong iniulat ng fire bureau ng siyudad, umabot din sa dalawang oras bago nila tuluyang naapula ang sunog. Kaagad na pinasok ng rescue team ang nasunog na gusali pero wala na silang naisalba pa.

Nasa 11 katao umano ang pumanaw sa nangyaring sunog. Makikita pa sa isang larawan na magkakasama ang ilang bangkay sa isang kwarto. May nakita din na dalawang magkayakap na tila mag-ina.

Photo: Manila DRRM Office

Ang gusaling ito ay may limang palapag kung saan mga commercial spaces ang nasa ibaba, samantalang residential naman ang nasa itaas na bahagi.

Photo: Manila DRRM Office

Noong July 29, 2024, apat na araw pa lamang ang nakalilipas nasunog rin ang Lucky Chinatown Mall pero wala namang naiulat na pumanaw.

Bunsod nito, ipinag-utos na ni Manila Mayor Honey Lacuna sa mga otoridad na magsagawa ng inspeksyon sa mga gusaling maituturing na ‘risk of fire.’


No comments

Powered by Blogger.