Header Ads

Gerald Santos hindi napigilan ang maiyak nang alalahanin ang sinapit na pang-aabuso noong siya ay baguhan pa sa showbiz

Photos: Gerald Santos IG, Sandro Muhlach IG
  • Gerald Santos inalala ang mapait na karanasan noong siya ay bago pa lamang sa showbiz
  • Tulad umano ni Sandro Muhlach, dumanas din siya ng pang-aabuso noong araw pero pinagkaitan siya ng hustisya

Nagsalita na ang singer na si Gerald Santos matapos lumabas ang isyung pang-aabuso na nangyari sa baguhang aktor na si Sandro Muhlach.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ibinahagi ni Gerald ang isang larawan kung saan makikita ang mag-amang Niño at Sandro Muhlach. Sa caption ng larawan, inihayag ni Gerald ang pagsuporta sa batang aktor sa ipinaglalaban nitong hustisya laban sa dalawang ‘independent contractors’ ng GMA Network.

Basahin: Sandro Muhlach pinangalanan na ang dalawang independent contractors na umabuso sa kanyang noong gabi ng GMA Gala 2024

Ayon kay Gerald hindi niya mapigilan ang maiyak sa pag-alala sa kanyang sinapit noon na nangyari rin kay Sandro.

Hindi niya umano nakamit ang hustisya dahil wala siyang boses noong araw at wala pang social media na maaari niyang maging kakampi tulad ng isang movement na tinatawag na “MeToo. Ang ‘Me Too’ ay isang social movement at awareness campaign laban sa pang-aabuso.

Umaasa ang singer na makakamit ni Sandro ang hustisya na ipinagkait sa kanya noon.

Basahin: Kapatid ni Ni̱o Muhlach nagsalita na hinggil sa sinapit ng pamangkin na si Sandro РNanawagan ng hustisya hindi lang para kay Sandro kundi sa iba pang dumanas ng pang-aabuso sa showbiz

Ayon mismo kay Gerald, “Ang dami nagmemessage, nagta-tag sa akin about this issue. Nagbalik ang sakit sa akin at hindi ko maiwasan maluha to imagine ang sinapit nya.

My heart goes to Sandro and the whole Muhlach Family.. I was once in this situation but back then wala kang boses, walang social media. Unlike ngayon na nagkaroon na ng #MeToo movement.

“But i will hold my head up high for standing up amidst tremendous pressure to just let go of what happened. I hope he gets the justice i was once denied of [praying emoji].”

Kung matatandaan, contract artist noon si Gerald sa GMA Network pero nagtaka ang marami niyang tagahanga dahil bigla na lamang ito nawalan ng mga proyekto sa nasabing network.

Sa isang panayam, inamin ni Gerald na kusa siyang umalis sa GMA-7 dahil hindi na siya nabibigyan ng proyekto.

Bunsod nito, napagtagni-tagni ng marami na marahil may koneksyon ito sa ginawang pagsusumbong noon ni Gerald hinggil sa diumano’y dinanas na pang-aabuso mula sa isang maimpluwensiyang tao sa nasabing network. Nagsimula umano ito noong siya ay 15 taong gulang pa lamang habang siya ay kalahok pa sa Pinoy Pop Superstar noong 2006.

Ang nakakalungkot, matapos magsumbong hindi daw siya pinansin at pinayuhan na lamang na mag-move on.


No comments

Powered by Blogger.