Header Ads

Carlos Yulo itinakwil na ng sariling ina – Tatlo lamang daw ang anak nito at hindi kabilang si Carlos at naka-blocked

  • Ina ni Carlos Yulo trending dahil sa mga cryptic post nito na diumano ay tungkol sa kampeon na anak
  • Hindi proud si Mrs Yulo sa tagumpay ng anak sa Paris Olympics 2024
  • Mas nag-cheer sa Japan na tumalo sa kanyang anak na si Carlos
  • Lumang post ni Mrs. Yulo, mababatid na itinaggi na anak si Carlos

Hindi naiwasan ng mga netizens na kwestiyunin ang pinakabagong post ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo hinggil sa pagsuporta nito sa gymnast ng Japan na kalaban ng anak sa Paris Olympics 2024.

Sa Facebook post ni Angelica noong August 1, nagbunyi ito sa pagkapanalo ng Japan kung saan natalo ang anak na si Carlos Yulo na nasa ika-12 rank lamang.

Caption ni Angelica sa naturang post, “Japan pa din talaga ang malakas.”

Bunsod nito maraming netizens ang nagbahagi ng lumang post ni Mrs. Yulo hinggil sa diumano’y pagtanggi nito sa anak na si Carlos.

Noong buwan ng June, nagbahagi ng ‘appreciation post’ si Mrs. Yulo para sa kanyang mga anak pero napansin ng isang netizen na tila kulang ang iti-nag niyang mga anak. Imbes na apat na anak, tatlo lamang ang binanggit ni Mrs. Yulo sa post at wala rito si Carlos Yulo.

Puna ng isang netizen, “kulang ata Tita Angeeee.”

Sinagot naman ito ni Mrs. yulo ng mga katagang “sakto lang yan.”

Kasunod nito, isa pang netizen ang nagkomento ng Isali mo ‘yung isa.”

Kaagad din itong sinagot ni Mrs. Yulo ng salitang “Dahu?”

Sa kasunod na komento, sinabi ni Mrs. Yulo na naka-block na ang tinukoy ng netizen na dapat ay kabilang sa mga iti-nag nito sa post. Ayon sa kanya, “pala desisyon kau. Di ko matag kasi blocked ko na nga.”

Samantala noong taong 2023, nagbahagi rin ng post ang ina ni Carlos kung saan binanggit nito ang pagmamahal sa tatlong anak at hindi rito kabilang ang pangalan ni Carlos.

May isang post din si Mrs. Yulo noong taong 2023 kung saan nagpabatid siya ng disappointment sa anak.


No comments

Powered by Blogger.