Header Ads

Kilalang film producer na si Mother Lily Monteverde pumanaw na sa edad na 85

  • Mother Lily Monteverde pumanaw na sa edad na 85
  • Ito ay naganap isang linggo lamang mula nang pumanaw ang kanyang asawa na si Leonardo Monteverde

Isang malungkot na balita ang bumungad sa showbiz industry ngayong araw, August 4, 2024.

Sumakabilang buhay na ang kilalang film producer na si Mother Lily Monteverde sa edad na 85.

Iginagalang si Mother Lily sa showbiz industry dahil sa mga naiambag niya sa pelikulang Pilipino. Sa ilang dekada na inilagi niya sa industriya bilang isang film producer, nakapagproduce siya ng mga ‘iconic films.’

Ilan sa mga ito ay ang mga pelikulang ‘Mano Po,’ ‘Shake, Rattle & Roll,’ at ‘Sister Stella L.’

BASAHIN: Asawa ni Mother Lily Monteverde pumanaw sa edad na 86.

Kung matatandaan naibalita rin noong isang linggo ang pagpanaw ng kanyang asawang si Leornardo Monteverde sa edad na 86. Ilang araw lamang ang naging pagitan ng kanilang pagpanaw.

Samantala, wala pang ibinabahagi na anumang pahayag ang pamilya Monteverde hinggil sa dahilan ng pagpanaw ni Mother Lily.


No comments

Powered by Blogger.