Header Ads

Ama ni Carlos Yulo nagsalita na matapos makamit ng anak ang gold medal sa Paris Olympics 2024

  • Ama ni Carlos Yulo nagsalita na hinggil sa tagumpay ng anak sa Paris Olympics 2024
  • Ito ay sa gitna na isyu na mayroong hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Caloy at ng kanyang inang si Angelica Yulo

Ama ni Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo proud sa tagumpay ng anak sa Paris Olympics 2024.

Nakapanayam ng GMA News ang ama ni Caloy at nagbigay ito ng pahayag hinggil sa pagkapanalo ng kanyang anak.

Ayon kay Mr. Yulo, deserved umano ng kanyang anak ang medalyong gintong napanalunan dahil matagal itong naghanda bago sumalang sa Olympics.

Nagtraining umano si Caloy ng apat na taon mula pa noong 2020 Japan Olympics, kaya naman batid niyang pinagpaguran ito ng kanyang anak.

Masaya umano siya sa tinamasang tagumpay ni Caloy sa Paris Olympics 2024 dahil ito umano ang pinakaaasam ng kanyang anak.

Saad niya,”Masaya, kasi matagal na panahon na ni Caloy na nire-ready simula nu’ng 2020 Japan Olympics. Four years niyang tiniis ‘yan, talagang pinagpaguran ng bata.”

“Deserve niya ‘yan. Dugo at pawis ‘yung pinaghirapan ni Caloy diyan, talagang gustong-gusto niya makuha ‘yan,” dagdag pa nito.

Samantala, hindi naman nagbibigay pa ng pahayag ang ina ni Carlos hinggil sa pagpakapanalo na ito ni Caloy.


No comments

Powered by Blogger.