Header Ads

GF Carlos Yulo na si Chloe San Jose nagreact sa pahayag ng ina ng nobyo – Palaban!

  • Nobya ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose nagreact sa mga pahayag ni Angelica Yulo, ina ni Carlos
  • Tila may patama si Chloe sa pagbubunyi ni Mrs. Yulo nang magwagi ang Japan na kalaban ni Carlos sa Paris Olympics

Nagpahayag na ng reaksyon ang nobya ni Carlos Yulo tungkol sa ilang mga pahayag ni Angelica Yulo patikular na sa pagbubunyi nito kasunod ng pagkapanalo ng Japan laban sa anak.

Kung matatandaan, hayagang nagpahayag ng pagsasaya si Mrs. Yulo sa pagkapanalo ng Japan laban sa anak na si Carlos na nasa ika-12th rank sa paligsahan noong August 1.

Ayon kay Mrs. Yulo, “Japan pa din talaga.. lakas!”

Matapos makamit ni Carlos ang medalyang ginto kahapon, August 3, 2024 sa Paris Olympics 2024, umani ng maraming pambabatikos ang ina nito mula sa netizens at binalikan ang mga lumang post nito sa Facebook.

Dito napag-alaman na madalas palang magparinig si Mrs. Yulo sa kanyang anak na si Caloy.

Kasunod nito, nagpaunlak naman ng panayam si Mrs. Yulo sa Star FM Manila at naglabas ng pahayag na diumano pera ang naging dahilan ng alitan nila ng kanyang anak. Binanggit niya rin na ang naging mitsa ng kaguluhan sa kanilang pamilya ay ang kasalukuyang nobya ni Carlos na si Chloe.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, nagbahagi ng patama si Chloe laban sa ina ni Carlos.

Hindi lamang umano Japan ang nagpakita ng galing sa nasabing paligsahan kundi maging si Carlos. Tila nais ipahayag ni Chloe, na mali ang ginawang pahayag ni Mrs. Yulo na Japan lang ang malakas.

Ayon pa kay Chloe, hihintayin niya lamang umano na matapos ang vault finals at sasagutin niya ang isyu. Hinamon niya pa si Mrs. Yulo na huwag magbura at off sa comment section.

Saad niya, “Mother dear i’m gonna hold your hand when i say this… pero wait ka lang, tapusin lang po namin yung vault finals—paki-on na your comment section po ah, di yung nag dedelete ka pa + off com sec.”

Japan pa din talaga.. lakas! but malakas din naman si Carlos Edriel Yulo, GOD IS WITH HIM [praying emoji],” dagdag pa nito.


No comments

Powered by Blogger.