Header Ads

GF ni Carlos Yulo may bagong banat sa ina ni Carlos – May ilalabas na resibo para patunayan kung sino ang tunay na ‘gold digger’

  • Palaban na nagsalita ang nobya ni Carlos Yulo hinggil sa mga patama ng ina ng nobyo tungkol sa kaperahan ng 2-time Olympic Medalist
  • Ayon kay Chloe San Jose, maglalabas umano siya ng resibo para patunayan kung sino ang tunay na ‘gold digger’

Tila palaban ang nobya ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose at hindi papayag na basta na lamang pagbintahangan ng mga negatibong salita lalo na patungkol sa kaperahan.

Kamakailan lang nagpaunlak ng panayam ang ina ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo hinggil sa diumano’y tunay na dahilan ng hidwaan nila ng anak. Ayon kay Mrs. Yulo, ang naging mitsa ang pag-aaway nila ni Carlos ay pera at ito ay mas lumalala nang umeksena sa buhay ng anak ang nobya ito.

“Ang naging mitsa lang talaga is ‘yung babae talaga eh… lalong lumaki, kasi nagkaroon ng training camp si Caloy kasama ko ‘yung asawa ko. Naghatid kami sa Terminal 3… ang sabi sakin ni Reynald, yung coach niya ‘Tita alam mo na ba ‘yung nangyari?’ sabi ko ‘No I have no idea at all’ kasi hindi naman kami nagkakausap ni Caloy eh, so wala kaming idea talaga,” saad ni Mrs. Yulo sa panayam ng Star FM Manila.

Wala kami idea. Pagdating pala do’n ng teammate niya, dapat wala don ‘yung babae sa apartment niya. Dapat bahay lang siya ng mga atleta so dapat ang mga outsiders, ang mga walang kinalaman sa training, wala do’n,” paliwanag pa ni Mrs. Yulo.

Kaagad naman na nakarating kay Chloe ang mga pahayag na ito ng ina ni Carlos at siya ay bumuwelta.

Ayon kay Chloe, sasagutin niya umano ang mga paratang na ito sa kanya ni Mrs. Yulo matapos ang vault finals ng nobyo. Hinamon niya rin ni Mrs. Yulo na huwag magbura ng mga comment sa Facebook at huwag din umano i-off ang comment section.

Ayon kay Chloe, “Mother dear i’m gonna hold your hand when i say this… pero wait ka lang, tapusin lang po namin yung vault finals—paki-on na your comment section po ah, di yung nag dedelete ka pa + off com sec.”

Dagdag pa ni Chloe, “Japan pa din talaga.. lakas! but malakas din naman si Carlos Edriel Yulo, GOD IS WITH HIM [praying emoji].”

Samantala, marami naman ang tila kumampi kay Chloe kaugnay ng isyung ito lalo na pagdating sa kaperahan. Pagtatanggol ng ilang followers ni Chloe na hindi pera ang habol nito kay Carlos dahil noon pa man, may sarili na itong pera.

Isang netizen pa ang nagkomento sa mismong post na ito ni Chloe at sinabi ang mga katagang “LODS BAT SYA ANG INIINTERVIEW? AY TAMA GOLD DIN PALA SIYA LODS. GOLD DIGGER?  BUTI NALANG NASA TAMANG KAMAY NA SI BOSS LOY LODS.”

Kaagad naman itong sinagot ni Chloe at nagbanta na maghintay umano si Mrs. Yulo dahil maglalabas siya ng resibo upang patunayan kung sino ang tunay na gold digger.

Saad ni Chloe, “SARILING GAWAIN NIYA LODS IPAPASA NIYA SAKIN. WAIT LANG SIYA SA BANK STATEMENT.”


No comments

Powered by Blogger.