Header Ads

Ama ni Carlos Yulo nakiusap sa anak na makipag-usap na sa mama nito upang maayos na ang problema sa kanilang pamilya

  • Ama at kapatid ni Carlos Yulo nanawagan na makipag-usap na ito sa kanilang pamilya (Inang si Angelica)
  • Nais umano nila na magkabati-bati na ang lahat kasama na si Chloe San Jose
  • Wala umanong hangad na pera ang kanilang pamilya kundi maibalik lang ang ‘love’ na mayroon sila sa isa’t isa noon

Nanawagan ang ama ni Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo na makipag-usap na ang two-time Olympic Medalist sa ina nitong si Angelica Yulo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines, nagbigay ng maikling pahayag ang ama ni Carlos na si Mark Andrew hinggil sa tagumpay na tinamasa ng kanyang anak sa Paris Olympics 2024. Masaya umano siya sa pagkapanalo ng kanyang anak.

Binati niya ito, ganun din si Chloe na kasintahan ng anak.

Saad ni Mark Andrew, “Hello ‘nak, congrats sayo! Congrats sa inyo ni Chloe.”

Matapos magbigay ng pagbati kay Carlos, nanawagan naman si Mark Andrew sa anak na sana ay makipag-ayos na ito sa kanyang ina. Hindi umano totoo ang mga lumalabas na balita (tungkol sa inang si Mrs. Angelica Yulo).

Ayon sa ama ni Carlos, “Sana mag-usap tayo, mag-usap kayo ni mama mo… Kung ano man ‘yung ano… pag-usapan natin. Kasi hindi totoo ‘yung mga kumakalat na balita eh.”

Maraming salamat sayo, ‘nak… God bless you,” dagdag pa nito.

Binanggit din ni Mr. Yulo sa panayam, na willing silang makipag-usap pati na kay Chloe upang matapos na ang gulong nangyayari sa kanilang pamilya.

Sana po mag-ano kami, mag-usap usap kaming family… ‘ayan si Chloe para matapos na itong… konting ano lang ‘to, minor lang. Kahit sa kanila na ‘yung cash basta magkabalikan na ‘yung love ng family,” ayon pa sa ama ni Carlos.

Samantala, nakunan rin ng pahayag ang nakababatang kapatid ni Carlos na si Eldrew Yulo.

Ayon kay Eldrew, masayang-masaya siya sa tagumpay ng kanyang kuya. Napaiyak umano siya noong mapanood niya ang ‘winning moment’ ng kapatid.

Ayon sa kanya, “Ang message ko sayo eh.. proud na proud ako sayo kuya, sobrang saya ko… napaiyak mo ‘ko kagabi kasi nabigla ako hindi pa rin ako makapaniwala.”

Nagpahayag din si Eldrew ng pagsang-ayon sa ama na makipag-usap na si Carlos sa kanilang pamilya.

Mensahe ni Eldrew sa kanyang kuya, “Hindi naman namin pinilit na bumalik, pero if ever maisipan mo, always free kami. Hindi kami lumalapit sayo dahil nanalo ka, gusto lang naman namin kayo maka-bond ng hindi namin sinasabi or hindi namin kailangan sabihin.”


No comments

Powered by Blogger.