Header Ads

Netizens naiyak sa mensahe ng kapatid ni Carlos Andrew – hiniling nito na magpakubaba ang kanyang kuya para sa kanilang ina na mataas ang pride

  • Kapatid ni Carlos Yulo hinangaan ng netizens dahil sa mensahe nito para sa kanyang kuya
  • Hiniling ni Eldrew kay Carlos na magpakumbaba na lamang ito sa kanilang ina
  • Hindi naman umano nila pinipilit na makipag-ayos si Carlos pero kung nais nitong bumalik, nariyan lamang sila na naghihintay

Maraming netizens ang humanga sa pananalita ng nakababatang kapatid ni Carlos Yulo na si Eldrew Yulo.

Sa panayam ng Bombo Radyo, nagsalita si Eldrew hinggil sa isyung kaguluhan sa kanilang pamilya. Nais sana nito na magkaayos-ayos na sila ng kanilang pamilya at bumalik na sa dati ang kanilang samahan.

Inamin ni Eldrew na maging siya ay nagkaroon rin ng tampo sa kanyang kuya Carlos dahil kinakailangan pa umano nila na i-seek ang attention nito para sa makipag-usap o makipagbonding.

Ganun pa man, temporary lamang umano ang naramdaman niyang tampo sa kanyang kuya. Iba umano ang mga babae tulad ng kanyang ina na mataas ang pride.

Payo ni Eldrew, bilang anak sila nalang umano ang mag-adjust bilang mga lalaki at mga anak.

Babae kasi si mama kuya eh… Alam mo naman kapag babae matataas talaga ang pride. Kailangan talaga nating mag-adjust,” saad ni Eldrew.

Ang gawain talaga ng lalake ay mag-adjust nalang and babaan nalang ‘yung pride natin para tapos na ang gulo,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Eldrew, “Ang ayaw lang kasi ni mama is ‘yung kami lagi ‘yung lalapit para sa atensyon niya which is mali talaga, dapat may kusa ka rin. I mean I’m not mad about it, nagtatampo lang na kailangan pa namin i-seek ‘yung attention mo.”

Binanggit din ni Eldrew na hindi naman sila namimilit, pero kung nais umano nito na bumalik at makipag-ayos nariyan lamang sila na naghihintay.

Paliwanag ni Eldrew, “Hindi naman namin pinilit na bumalik, pero if ever maisipan mo, always free kami. Hindi kami lumalapit sayo dahil nanalo ka, gusto lang naman namin kayo maka-bond ng hindi namin sinasabi or hindi namin kailangan sabihin.”

Sa comment section ng nasabing panayam ng Bombo Radyo, mababasa ang mga papuri ng netizens para sa nakababatang kapatid ni Carlos na si Eldrew Yulo.

Ang bait naman nitong batang to. Pranka pero realistic magsalita.”

“I cried for his family especially for his mother father and his brother na malawak ang pag iisip.. kawawa ang pamilya talaga kapag may ibang taong nangingialam”

Napapaiyak tuloy ako sa message nun younger brother niya….Sana sana magkaayos na sila..Tama naman yun sinabi niya..Di natin masisi yun mama niya kung ganun nalang feelings niya kasi may nakikita niya na maaring nkaka insecure.Sure ako magkakaayos na mga yan pagbalik ni caloy…Hindi nila deseve na magkakagalit …nakakita ko yun sa pamilya nila!!”


No comments

Powered by Blogger.