Header Ads

Mrs. Angelica Yulo muling nagsalita sa isang panayam, inamin na may tampo kay Carlos dahil sinabihan siya nito na magnanakaw – Masaya sa tagumpay

  • Ina ni Carlos Yulo muling nagpaunlak ng panayam sa media
  • Sa panayam ng GMA News, sinabi ni Mrs. Yulo na may tampo siya sa kanyang anak dahil pinagbintangan siya nito na magnanakaw
  • Masaya umano si Mrs. Yulo sa tinamong tagumpay ng anak sa Paris Olympics 2024

Mrs. Angelica Yulo, ina ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo muling nagpaunlak ng panayam upang sagutin ang hinggil sa alitan nila ng kanyang anak.

Sa panayam ng GMA News kay Mrs. Yulo, inamin nito na may tampo siya sa kanyang anak dahil sinabihan siya nito na magnanakaw.

Pinagbintangan umano siya ni Caloy na nilustay, ninakaw, at winaldas sa luho ang pera nito na wala umanong katotohanan.

Syempre nandun ‘yung pain…na sabihan ka ng anak mo na magnanakaw, gusto kong sabihin ‘asan ‘yung ninakaw… ganun pa rin naman kami, tulad pa rin ng dati, ‘nung hindi pa siya nagkakapera, nung nagkapera siya walang nagbago sa lifestyle namin,” saad ni Mrs. Yulo.

Handa umano si Mrs. Yulo na maglabas ng mga ebidensya para ito ay patunayan.

Binanggit din ni Mrs. Yulo na kung sakali man, hindi siya ang unang lalapit sa anak upang makipag-ayos lalo na ngayon dahil kakapanalo lamang ni Carlos sa Paris Olympics at maraming incentives na matatanggap.

Umiiwas lamang umano siya sa mga maaring sabihin o puna sa kanya ng mga tao.

Sa kabila ng lahat ng ito, nagpahayag ng kasiyahan si Angelica sa tagumpay ng kanyang anak.


No comments

Powered by Blogger.