Header Ads

Christian Gaza may patama kay Chloe San Jose dahil sa pagpatol nito sa ina ni Carlos Yulo

  • Christian Gaza may patama sa nobya ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose
  • Ito ay kaugnay sa naging pagsagot ni Chloe sa mga paratang ng ina ni Carlos

Mainit na pinag-uusapan sa social media ang bangayan ng ina ni Carlos Yulo at nobyang si Chloe San Jose.

Maraming netizens ang bumatikos kay Chloe dahil tila hindi umano nito nirespeto ang ina ng kanyang nobyo na maaari ring maging future mother-in-law.

Kung matatandaan, unang naglabas ng sama ng loob sa social media ang ina ni Carlos na si Angelica Yulo at hayagang tinukoy sa isang panayam na si (Chloe) ang naging mitsa ng hidwaan nilang mag-ina.

“Ang naging mitsa lang naman talaga ever since yung babae talaga. Lalo lang lumaki,” saad ni Mrs. Yulo sa panayam ng Star FM Manila.

Kaagad naman iton sinagot ito ni Chloe sa pamamagitan ng isang Facebook post at tahasang sinabi na sasagutin niya ang mga paratang na ito matapos ang vault finals ni Carlos.

Saad ni Chloe, “Mother dear I’m gonna hold your hand when I say this.. pero wait kalang, tapusin lang po namin yung vault finals– paki-on na your comment section po ah, di yung nagdedelete ka pa + off com sec.”

Sa comment section, mababasa pa ang pagbabanta ni Chloe na maglalabas siya ng bank statement para patunayan na mali ang ibinibintang sa kanya ni Mrs Yulo.

Lumalabas na pera ang naging ugat sa hidwaang ito sa pamilya ni Carlos Yulo.

Samantala, tila may patama o masasabi ring ‘payo’ si Christian Gaza sa nobya ni Carlos na si Chloe. Hindi sang-ayon sa Gaza sa naging pagsagot ni Chloe sa kanyang future mother-in-law.

Saad ni Gaza, “Ang piliin mong partner ay hindi yung aawayin ang nanay mo para lang mapatunayan sa lahat na tama kayo.

“Ang piliin mong partner ay yung ipapaunawa sa nanay mo kung bakit siya mali hanggang sa magkaayos kayo. Yung partner na mamamagitan, hindi yung makikipaglaban. Kasi tuwing nagsasabong ang dalawang magbiyenan, ang collateral damage niyan ay mental health mo. Ikaw lang yung kawawa tapos talo pa kayong lahat.

“Immaturity is when you want to prove to everyone na tama ka. Maturity is when you choose peace of mind para sa happiness ng lahat.”


No comments

Powered by Blogger.