Header Ads

Atty. Raymond Fortun ipinaliwanag kung bakit hinayaan niya si Mrs. Angelica Yulo na magkaroon ng press conference

  • Atty. Raymond Fortun ipinaliwanag kung bakit siya nag-hold ng presscon para kay Mrs. Angelica Yulo
  • Ayon kay Atty. Fortun, may mga bagay na sinabi ni Mrs. Yulo sa mga panayam na dapat itama
  • Kinailangan umano na gawin ito sa pamamagitan ng isang press conference dahil sangkot na sa isyu ang publiko

Naglabas ng paliwanag si Atty. Raymond Fortun kung bakit kinailangan ni Mrs. Angelica Yulo na maglabas ng statement sa pamamagitan ng isang press conference kaugnay sa isyung hidwaan nila ng anak na si Carlos Yulo.

Kahapon, August 7, 2024, ginanap ang press conference ni Mrs. Angelica Yulo na pinangunahan ng kanyang abogado na si Atty. Raymond Fortun. Sa nasabing conference nasaksihan ng madla ang pagiging emosyonal ni Mrs. Yulo habang humihingi ng tawad sa kanyang anak.

Ilan sa mga netizens ang kumukwestiyon sa naging hakbang na ito nina Atty. Fortun at ni Mrs. Yulo. Puna pa ng ilan, ‘bakit pa nagpa-presscon kung nais pala na magheal ng tahimik ang pamilya Yulo?’

Ayon kay Atty. Fortun, may mga nabanggit si Mrs. Yulo sa mga panayam na hindi na dapat pang sabihin kung saan ito rin ang pinag-ugatan ng mga negatibong komento mula sa publiko.

Paliwanag ni Atty. Fortun, kinailangan umano ang presscon upang maitama ni Mrs. Yulo ang mga naging pahayag sa mga panayam. Bilang legal counsel ng ginang, naroon naman siya sa tabi nito upang mag-kontrol na hindi na ito magsalita ng higit pa sa dapat sabihin sa madla.

Ang layunin ng nasabing conference ay upang makapag-apologize si Mrs. Yulo at masabi sa anak publicly na mahal niya ito.

It was imperative for Mrs. Yulo to correct these errors and misimpressions about her actions also in a public manner, because the public was clearly involved.

“It had to be in a press conference that I CAN CONTROL because i am beside her — to apologize for what she said, to tell her son publicly that she loves him still, and to tell the son AND the public that she is happy that he won.”

Ayon pa kay Atty. Fortun, nagsilbi siyang ‘peacemaker’ sa dalawang panig.

For me, this is the path to healing the family and the nation. Not all will understand, not all will approve of my methods. But I just had to do what needs to be done at the quickest time, without fear of the consequences. A lawyer is also a peacemaker,” saad pa ni Atty. Fortun.

Narito ang kanyang buong pahayag.


No comments

Powered by Blogger.