Header Ads

Sino nga ba si Chloe San Jose? KILALANIN!

Photos: Chloe San Jose Tiktok: Kilalanin si Chloe San Jose

Si Chloe San Jose ay kasalukuyang pinagpipyestahan ng netizens. Ito ay dahil sa isyu na kanyang kinasasangkutan kaakibat ng pagiging nobya ni Carlos Yulo, ang two-time Olympic gold medalist.

Sino nga ba si Chloe San Jose?

Si Chloe San Jose ay ipinanganak noong taong 2002. Siya ngayon ay 24 taong gulang.

Matagal nang content creator si Chloe at mayroon na ring maraming tagahanga sa iba’t ibang platforms tulad ng Tiktok, Instagram at Facebook. Sa Facebook, mayroon siyang higit sa 523k followers.

Base sa mga lumang post ni Chloe, mababatid na hindi lamang lifestyle, fashion at travel ang kanyang mga content. Siya rin ay marunong kumanta, kaya naman noong unang mga taon niya sa social media nagbabahagi rin siya ng mga cover songs.

Tulad ng pahayag ni Carlos Yulo sa isang video, lumaki si Chloe sa Australia kaya medyo liberated umano ang kilos nito at pananamit.

Base sa ginawa naming pananaliksik, napag-alaman na nasa edad 14 si Chloe nang magmigrate sa Australia kasama ng kanyang ama, stepmom at mga kapatid.

Sa isang Tiktok video na ibinahagi ni Chloe, inamin niya na siya ang nag-first move kay Caloy.

Nagmessage daw siya sa binata isang araw noong taong 2020. Hindi umano inakala ni Chloe na magrereply si Caloy, kaya naman laking tuwa niya na hindi lamang ito nagreply sa kanyang mensahe, nagfollow pa ito sa kanyang social media account.

Dito umano nagsimula ang pag-uusap nila ni Caloy at naging magkarelasyon kalaunan. Si Chloe noon ay 18 taong gulang, samantalang si Carlos ay 20.

Fast forward sa taong 2024, naging trending ang magkasintahan. Ito ay hindi lamang dahil sa pagkapanalo ni Carlos ng dalawang medalyang ginto sa Paris Olympics, kundi sa mga isyung inilabas ng ina ng Olympian na si Mrs. Angelica Yulo.

Pinagpiyestahan ng madla ang problemang pampamilya ni Yulo, sa halip na ipagdiwang ang pagkapanalo nito sa Paris Olympics.

Sa isang panayam, inamin ni Mrs. Yulo na ang ugat ng hindi nila pagkakaunawaan ng anak na si Caloy ay walang iba kundi si Chloe.

Kaagad naman na ipinagtanggol ni Carlos ang nobya at pinabulaanan na hinuhuthutan siya ng pera ng kanyang nobya. Ayon kay Caloy, may sariling pera si Chloe at hindi nito magagawa ang ibinibintang ng kanyang ina. Hindi rin nagustuhan ni Caloy ang mga puna ng ina sa kilos at pananamit ni Chloe.

Sa huling panayam ni Caloy, binanggit pa nito kung gaano nakatulong si Chloe sa kanyang mental health. Nagpapasalamat umano siya kay CHloe dahil hindi siya nito iniwan noong mga panahon na kailangan niya ng kasama. Sabay umano silang nangarap para sa tagumpay na ito.


No comments

Powered by Blogger.