Header Ads

Didong Dumadag aka Miss D pumanaw na

Photos: Miss D Facebook

Pumanaw na ang stand-up comedian na si Didong Dumadag aka ‘Miss D’ ngayong araw, August 10, 2024.

Ang balitang ito ay kinumpirma ng kanyang malapit na kaibigan na si Brenda Mage sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Sa nasabing post ni Brenda, mababatid na tila hindi pa ito makapaniwala na wala na ang kanyang malapit na kaibigan. Nagbalik-tanaw pa ito sa mga pinagdaanan nila simula pa noong taong 2014. Madalas daw sila napagkakamalan na kambal dahil sa kanilang pagkakahawig.

Sobrang lungkot umano ni Brenda at naawa siya sa tinukoy niya Milagros at Bungol.

Ayon kay Brenda, “Ang hirap hirap isipin talaga na wala kana Ding… 2014 lagi na tayo pinagkakamalan… magkasama tayo sa bahay tayo lang dalawa ng nakakaalam lahat ng mga bagay bagay….

“Ang dami na natin pinagsamahan ang sikip sa dibdib pag naiisip ko yung mga kwentuhan at kalokohan natin…Haaaist amg hirap talaga…. 10 years natin pagkaibigan hindi lang kaibigan ang Nabuo para na tayong Kambal talaga….

Ang bigat sa Dibdib sobra…..ang lungkot ko talaga Ding… naawa ako iniisip ko si Milagros at si Bungol… inaasar mo si Milagros mauuna ka pa pala sakanya Giatay ka uy…..Samok kaayo jud ka….mao na lugar to imo paalam sa ako pag tawag nimo? Atay ka uy…. Mamiya man ka [crying emojis].

“Paalam my Beloved Barang Sister Mahal na mahal ka namin Ronnie Dumadag , Ms D , “DIDONG” [red heart emoji].”

Ayon sa mga kaibigan ni Didong inatake umano ng stroke ang komedyante na naging dahilan ng maaga nitong pagpanaw.


No comments

Powered by Blogger.