Header Ads

Christian Gaza matapang na nagbigay ng mensahe kay Maris Racal kaugnay ng hiwalayan isyu nila ni Rico Blanco

  • Christian Gaza may matapang na mensahe para kay Maris Racal
  • Ayon kay Gaza, kung wala palang balak ang aktres na magpakasal dapat hindi na ito nakipagrelasyon kay Rico Blanco

Nagbahagi ng bagong post ang pambansang marites na si Christian Albert Gaza sa kanyang Facebook page ngayong araw, July 15, 2024.

Ito ay hinggil sa pinag-uusapang hiwalayan nina Maris Racal at Rico Blanco.

Sa naturang post makikita ang larawan ni Gaza na tila nakainom at sa caption nito mababasa ang mga katagang “SHOT PUNO para sa mga jinowa ng ilang taon pero hindi pinakasalan.” 

Sa comment section ng nasabing post, nagbahagi din si Gaza ng isang short video ng kanyang mensahe para sa aktres na si Maris.

Aniya, “Maris ito lang naman yong akin noh, imagin 51 years old na yan, ano yan paghihintayin mo pa ng sampung taon di pag kinasal kayo may 20% discount na yan, loko kaba kung hindi mo naman pala pakakasalan, wala ka naman palang balak pakasalan sana di mo na lang jinowa sinaktan mo lang ei ang gara mo, gigimik nako ba- bye.”

“Hindi mo na nirespeto ‘yong matanda” pagtatapos ni Gaza.

Bago ito, nagbigay na ng pahayag si Gaza tungkol sa nalalaman niya hinggil sa diumano’y tunay na dahilan ng paghihiwalay ng dating celebrity couple.

Ayon kay Gaza, nagpropose umano si Rico kay Maris ngunit hindi ito tinanggap ng aktres.


No comments

Powered by Blogger.